SPEEd magdo-donate sa mga nasalanta ng sunud-sunod na kalamidad
NAGING mas makulay at makabuluhan ang Christmas Party ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong taon na dinaluhan ng ilang celebrities mula sa showbiz industry.
Ginanap nitong nagdaang December 2 sa Rampa Drug Club na matatagpuan sa #40 Eugenio Lopez St., Diliman, Quezon City, muling nagsama-sama ang mga opisyal at miyembro ng SPEEd para sa taunang tradisyon ng grupo tuwing sasapit ang Kapaskuhan.
Ngayong taon, magbabahagi ang SPEEd ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng mga nagdaang kalamidad.
“As we celebrate, we remain mindful of our kababayans in Luzon who have faced recent calamities.
“This year, SPEEd is allocating a portion of whatever funds are raised to support survivors and help bring a bit of relief to their recovery,” ayon sa Pangulo ng SPEEd na si Salve Asis.
Mangyayari ang gagawing gift-giving ng organisasyon ng mga editor para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo at iba pang kalamidad nitong mga nagdaang buwan bago mag-Pasko.
Baka Bet Mo: 4th EDDYS mapapanood sa FDCP channel; Angel Locsin, Kim Chiu, Rhea Tan pararangalan
Kasabay nito ang taos-pusong pasasalamat ng grupo, na binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals sa Pilipinas, sa lahat ng nag-share ng kanilang blessings para mapasaya at makatulong kahit paano sa mga nangangailangan nating mga kababayan.
Una na riyan ang mga may-ari ng Rampa Drag Club na sina RS Francisco, Rei Anicoche Tan ng Beautéderm Corporation, Senate President Chiz Escudero, mga taga-Globe Telecoms sa pangunguna ni Yolly Crisanto, Claire Papa and team ng Unilab, mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde ng Nathan Studios, Mentorque Productions producer Bryan Diamante, Frontrow owner, Tutok To Win Partylist Rep. Sam Verzosa, Ice Seguerra at Liza Diño, at Tates Gana.
Nakisaya rin sa Christmas party tradition ng SPEEd at nagbahagi ng blessing sina Ms. Boots Anson-Rodrigo, Ara Mina, Jake Cuenca, Regal Entertainment producers Roselle Monteverde at Keith Monteverde at mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada.
Ganu’n din ang SB Partylist, former Sec. Benhur Abalos, Senator Nancy Binay, Vita Plus (Doyee Tumpalan), Partido sa Bagong Pilipino Partylist (Goyo Larrazabal and Beaver Lopez).
Present din ang PR head ng Kapamilya Network na si Kane Choa kasama ang kanyang team, Marianne de Vera ng Pascual Laboratories, Wilson Flores ng Kamuning Bakery, Ferlin Parreno ng Viva Entertainment, Veronica Ramos-Baun ng JN Enterpraises Branding Consultancy at Kathryn Chua of Lilt Digital Marketing.
Naroon din ang singer-comedian at host na si TJ Valderrama na talent ng Curve Entertainmen, “Topakk” actress Anne Feo, talent manager Narciso Chan at Bambbi Fuentes.
Um-attend din sa party ang Vivamax stars na sina Micaella Raz, Stephanie Raz, Salome Salvi, Gold Aceron, Victor Rellosa, Kych Minemoto, Benz Sangalang at marami pang iba.
Nagpapasalamat din ang SPEEd sa iba pang celebrities at personalidad na nagpahatid ng kanilang tulong para sa mga kababayan nating nasalanta ng mga kalamidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.