Daniel kay Baron nang lumipad pa-Japan: Wag kang magkakalat

Hirit ni Daniel kay Baron nang lumipad pa-Japan: Wag kang magkakalat

Ervin Santiago - December 03, 2024 - 07:10 AM

Hirit ni Daniel kay Baron nang lumipad pa-Japan: Wag kang magkakalat

Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Daniel Padilla at Baron Geisler

DIRETSAHANG pinaalalahanan ni Daniel Padilla si Baron Geisler nang mag-shooting ang aktor sa Japan para sa isang pelikula.

Magkasama ngayon sina Baron at DJ sa latest action-drama series ng ABS-CBN na “Incognito” kaya nagkaroon sila ng chance na maging close.

Todo ang pasasalamat ni Baron sa Kapamilya Network at sa Star Creatives dahil isa siya sa masusuwerteng napili para sa “Incognito” at itinuturing daw niya itong second chance sa ABS-CBN.

Feeling lucky din daw siya dahil for the first time ay napasabak siya sa isang action series kasama ang naglalakihang artista na subok na subok na sa action genre.

“It’s very new to me to really open my heart sa cast, sa crew, every body mula sa writer and director. Because of the show, mas… iyong mga kasama ko, hinihila nila ako pataas, paakyat,” ang medyo emosyonal na pahayag ni Baron.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz tinawagan ni Baron Geisler, nag-away nga ba?

“Direk Lester (Pimentel) and the entire team of Star Creatives, noong mineeting nila ako for the show, they said, ‘Baron, we just want you to straighten (out) your life.

“We’re here to support you. Tapos bonus pa na iyong nagtutulungan lahat, may relationship talaga kami sa isa’t isa,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JMG (@jamie.marie.geisler)


Nagpasalamat din siya sa all-out support na ibinigay sa kanya ng kanyang co-stars sa serye lalo na sina Daniel at Ian, “Like noong I flew to Japan to shoot a movie. Nag-message sa akin si DJ na, ‘O, pare, lilipad ka, huwag kang magkakalat diyan.’

“That really means a lot to me. So nakita ko na sobrang laki na rin ng changes ni DJ, mature na rin siya.

“Si Kuya Ian naman is my mentor and big brother. Kapag may questions ako about life, napaka-deep ni Kuya Ian. Kasi sa age niya, punong-puno siya ng wisdom. Iyon lang,” dagdag niya.

Pagpapatuloy pa niya, “For me, I just want to continue doing my best, giving my all to be a dependable actor and just open my heart.

“Hindi lang sa show na ito kasi nadadala ko iyong good attitude, manners, behavior sa iba pang nakakasama ko sa ibang produksyon. So, I’m very grateful for the learnings,” dagdag pa ni Baron.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ka-join din sa “Incognito” sina Richard Gutierrez, Maris Racal, Anthony Jennings at Kaila Estrada. Magsisimula na ito sa Netflix sa January 17 at mapapanood din sa mga Kapamilya platforms sa January 18.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending