Kaye Abad sa isyu nila ni Daniel Padilla noon: Mahilig sa tita?!

Kaye Abad sa isyu nila ni Daniel Padilla noon: ‘Mahilig sa tita?!’

Therese Arceo - August 10, 2024 - 03:54 PM

Kaye Abad sa isyu nila ni Daniel Padilla noon: 'Mahilig sa tita?!'

HINDI mapigilan ng mag-asawang sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo ang matawa nang balikan ang nakaraang isyu matapos ma-link ang aktres noon kay Daniel Padilla.

Nitong August 8, Huwebes, inilabas ni Karen Davila sa kanyang YouTube channel ang kanyang naging interview sa Cebu-based couple.

Walong taon na ring kasal sina Kaye at Paul Jake at talagang secured na rin ang kanilang relasyon sa kabila ng mga isyung ibinabato sa kanila noon.

Nausisa ni Karen ang aktres kung kumusta na ang buhay niyo matapos ang kaniyang pagpapakasal sa dating “Pinoy Big Brother” housemate.

Baka Bet Mo: Mo Twister nagpaliwanag sa ‘ugly version’ comment kay Kaye Abad

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kuwento ni Kaye, gustong-gusto raw niya ang paninirahan sa Cebu dahil payapa rito at tahimik mula sa ingay ng showbiz.

Dito ay nasabi rin niya na malayo na siya sa mga intriga.

Ngunit hindi papahuli sa pang-aasar ang kanyang asawa na binaggit pa ang aktor na si Daniel Padilla.

Matatandaang naisyu noon si Kaye bilang isa sa mga naging babae ni Daniel habang karelasyon pa nito si Kathryn Bernardo.

“Daniel Padilla, ‘di ba?” pabirong asar ni Paul Jake sa kanya.

Nagkatawanan naman silang tatlo.

“Akalain mo ‘yun si Daniel, mahilig sa tita?”  sagot naman ni Kaye na nagpatawang muli sa kanilang tatlo.

“Cougar,” sey pa ni Paul Jake.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napahanga naman si Karen dahil tila walang pakialam si Paul Jake sa pagkakaugnay ni Kaye sa binata.

“Oo, nu’ng lumabas ‘yung issue, sabi niya pa, ‘Wala ba akong picture with Kathryn (Bernardo) diyan?’ Sabi ko, ‘Bakit?’ Kasi magpo-post daw siya ng, ‘Pare, you take mine, I take yours’,” chika ng aktres tungkol sa reaksyon ng asawa.

Amin pa ni Kaye, walang seloso o selosa sa kanilang dalawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending