Mo Twister nagpaliwanag sa ‘ugly version’ comment kay Kaye Abad
NAGPALIWANAG si DJ Mo Twister tungkol sa kanyang naging pagtawag sa aktres na si Kaye Abad bilang “ugly version” ni Iza Calzado.
Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin dahil pakiramdam niya karapat-dapt siyang magsalita matapos itong mag-viral.
Matatandaang nag-guest kamakailan si Kaye sa “Fast Talk With Boy Abunda” kung saan nausisa siya kung sino ang ka-look alike niyang artista. Sagot ni Kaye, nasabihan raw siya ni Mo na siya ang “ugly version” ni Iza.
Paglilinaw niya, noong panahong nasabi niya ang bagay na ‘yun ay masaya lang silang nagkukulitan ni Kaye na ilang taon na rin ang nakalilipas.
Baka Bet Mo: Mo Twister tinawag na ‘stupid’ at ‘narcissist’ si Alex Gonzaga: ‘Come on guys, she was drunk!’
View this post on Instagram
Matapos kasing mag-viral ang “ugly version” statement ni DJ Mo noon patungkol sa aktres ay maraming pambabatikos na ang kanyang natanggap.
“I will only comment on this issue once. I have been receiving hate messages all week long about what I said regarding Kaye Abad, stemming from when I called her ugly.
It’s been on the news and in tabloids online, and I just need to fix this. Let’s put this ugliness behind us,” saad ni DJ Mo sa caption ng kanyang IG post.
Ibinahagi niya ang mga videos kung saan ikinuwento niya na naglalaro sila noon pagkatapos ay tineks siya ni Kaye at tinanong siya nito kung sinong celebrity ang kanyang “ugly version”.
“What happened was that we were doing the ugly version of which celebrity. Diba binanggit ko, I’m the ugly version of Matt Damon, tapos nagtext ka sakin,” saad ni DJ Mo.
“Nagtext ako sayo, sabi ko, ‘Ako Mo, sinong ugly version ako’ It was back in the 1990s, pa ‘to,” pagpapatuloy naman ni Kaye.
Namangha pa nga si DJ Mo dahil naalala pa nito ang mga detalyeng ‘yun.
Tinanong pa niya si Kaye kung nasaktan ito sa sinabi niya.
“No. Not at all. Actually, naflatter pa nga ako. I really find Iza very pretty. So nung sinabi mo ugly version ka ni Iza Calzado. Sabi ko, ‘Oh wow. I’ll accept that,” sagot ni Kaye kay DJ Mo.
Samantala, ibinahagi rin ni Kaye na nag-reach out sa kanya si Iza Calzado matapos mag-viral ang kanyang interview kay Tito Boy.
“She actually messaged me. She told me that she heard about my Tito Boy Abunda interview and what Mo said. [Sabi niya], ‘First of all, thank you for the kind words, but then ‘wag ko daw tanggapin na sinabi mo na ugly version niya ako.,” chika ni Kaye.
Nilinaw naman ni DJ Mo na hindi niya intensyon na iparamdam sa aktres na hindi ito maganda at thankful siya na magkaibigan pa rin sila hangang ngayon.
“I’m glad that you’re on the show so we can clear the air here that we’re not fighting. We’re okay. Everything is fine. I didn’t really mean it when I called you ugly. I should have just said discount. I should have been better,” lahad niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.