Mo Twister tinawag na 'stupid' at 'narcissist' si Alex Gonzaga: 'Come on guys, she was drunk!' | Bandera

Mo Twister tinawag na ‘stupid’ at ‘narcissist’ si Alex Gonzaga: ‘Come on guys, she was drunk!’

Ervin Santiago |January 18,2023
facebook
share this

Mo Twister tinawag na ‘stupid’ at ‘narcissist’ si Alex Gonzaga: ‘Come on guys, she was drunk!’

Ervin Santiago - January 18, 2023 - 08:01 AM

Mo Twister tinawag na 'stupid' at 'narcissist' si Alex Gonzaga: 'Come on guys, she was drunk!'

Alex Gonzaga at Mo Twister

“STUPID!” Ganyan inilarawan ng dating TV host na si DJ Mo Twister si Alex Gonzaga matapos ang ginawang pambabastos at panghihiya sa isang waiter.

Patuloy na nakakatanggap ng masasakit na salita ang actress-vlogger mula sa iba’t ibang sektor dahil nga sa isang viral video na kuha sa kanyang birthday salubong last Sunday.

Sa nasabing video clip makikitang biglang pinahiran ni Alex ang waiter ng chocolate icing sa noo nito matapos hipan ang mga kandila sa kanyang birthday. Halatang na-offend ang lalaki at hindi nagustuhan ang pangyayari.

Kung nakamamatay lang ang  maaanghang na komento ng mga netizens siguradong pinaglalamayan na ngayon ang sisteraka ni Alex Gonzaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


Bukod sa mga netizens, ilang celebrities din ang nag-react sa ginawa ni Alex sa waiter isa na nga si DJ Mo Twister, na nakasama niya noon sa dating showbiz-oriented talk show ng TV5, ang “Juicy.”

Tweet ng dating aktor at radio host na naka-base na ngayon sa Amerika, “Come on guys. She was drunk. …and stupid. Drunk and stupid. And a narcissist. Drunk and stupid and a narcissist.”

Nagkomento rin si Miss Universe Philippines 2021 semifinalist Ayn Bernos nang mapanood niya ang video, “Paalala na yung mga jokes dapat nakakatuwa for all parties involved.”

Hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita si Alex hinggil sa kontrobersya pero ayon sa mga netizens sigurado silang magso-sorry lang ang aktres sa waiter at pagpi-feeling victim na naman tulad ng ginagawa niya kapag nasusuong sa mga isyu.

Samantala, may mensahe naman ang kanyang asawang si Lipa City Councilor Mikee Morada sa gitna ng kinasasangkutan nitong iskandalo.

Sabi ni Mikee sa kanyang Facebook, “Happy birthday sa pinakamamahal kong asawa Alex Gonzaga Official!!!

“Yan yung mga iba’t-ibang picture na nasa cellphone ko kapag sinasabi mong ‘kuhanan mo ako ng picture dito’ madalas maraming take yan!

“Will always be here to support you and will always be behind you! Thank you for always taking care of me and making our home a home. Love you mamamel!!!” aniya pa.

Toni tinalakan ng netizens dahil sa pambabastos ni Alex sa waiter: ‘Kastiguhin at turuan mo ng leksyon ang kapatid mo!’

Alex Gonzaga durog sa netizens matapos pahiran ng cake sa mukha ang kaharap na waiter: ‘Napakabastos!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ivana nilayasan ang ka-date na nang-away ng waiter; 7 ang gustong maging anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending