Alex Gonzaga durog sa netizens matapos pahiran ng cake sa mukha ang kaharap na waiter: 'Napakabastos!' | Bandera

Alex Gonzaga durog sa netizens matapos pahiran ng cake sa mukha ang kaharap na waiter: ‘Napakabastos!’

Ervin Santiago |January 16,2023
facebook
share this

Alex Gonzaga durog sa netizens matapos pahiran ng cake sa mukha ang kaharap na waiter: ‘Napakabastos!’

Ervin Santiago - January 16, 2023 - 10:52 PM

Alex Gonzaga durog sa netizens matapos pahiran ng cake sa mukha ang kaharap na waiter: 'Napakabastos!'

Alex Gonzaga

BASAG na basag si Alex Gonzaga sa mismong araw ng selebrasyon ng kanyang 35th birthday dahil sa ginawa niya sa isang waiter.

Kalat na ngayon sa social media ang isang video clip na kuha sa advanced celebration ng kanyang kaarawan kung saan nakasama niya ang kanyang pamilya at ilang kaibigan.

Base sa ulat, naganap daw ang kontrobersyal na birthday salubong ni Alex sa Joya Lofts and Towers sa Rockwell, Makati, kagabi, January 15.

Sa nasabing video, mapapanood si Alex habang kinakantahan ng “Happy Birthday” ng asawang si Lipa City Councilor Mikee Morada at ng kanyang mga bisita.

At pagkatapos nga nito ay hinipan na ng TV host-actress at vlogger ang kandila sa chocolate cake na hawak ng isang pinaniniwalaang waiter o staff ng nag-cater sa kanyang party.

Pero ang ikinaloka nga ng mga nakapanood sa video ay nang pahiran ni Alex ang waiter ng cake sa noo. Halatang ikinabigla rin ng lalaki ang ginawa ng vlogger sa kanya base sa naging reaksyon nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


Pinararatangan si Alex na “insensitive” at “hindi makataong trato” sa waiter na may hawak ng moist chocolate cake na pinahiran niya ng icing sa noo matapos ang kanyang pag-ihip sa kandila.

Sinasabing ang anak umano ni Marjorie Barretto na si Dani Barretto ang isa sa nag-post ng video sa kanyang Instagram story pero burado na ito ngayon.

Subalit mabilis din ang mga netizens dahil nai-record nila ito agad kaya kumalat agad sa iba’t ibang mga socia media platform.

Kasunod nga nito ay ang pambabatikos kay Alex na inakusahan ng pagiging “insensitive”, “bastos”, “walang respeto sa kapwa” at kung anu-ano pang masasakit na salita.

Marami naman ang naawa sa waiter na naging biktima nga marahil ng sobrang kaligayahan ni Alex dahil sa kanyang birthday.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang sisteraka ni Toni Gonzaga. Narito naman ang ilan sa mga reaksyon ng netizens.

“Alex gonzaga is that type of person who thinks nadadaan lang sa joke ang lahat. she thinks she’s being funny when in fact she’s actually rude, insensitive, and disrespectful. apaka bastos.”

“You can’t treat people like dirt yet worship God at the same time. It’s hypocrisy, Alex Gonzaga.”

“You really can’t buy class no Alex Gonzaga??? Pangit mo kabonding teh.”

“Girl wtf? That’s not nice tbh. Felt bad for kuya! Alex Gonzaga has zero manners, and she won’t give a fu*k about our comments, she’ll continue to do the same thing. People should unsubscribe her as a way of telling her to stop that kanal ugali.”

Bago ang kontrobersyang ito, nagdiwang pa si Alex sa programa niya sa TV5 na “Tropang LOL”. Binati siya ng kanyang mga co-hosts at iba pang kasamahan sa programa.

Mensahe niya, “Pinagpe-pray po namin, Lord, na this year and this week, Lord, kami po ay maka-bless ng ibang tao Panginoon.”

Wala siyang kaalam-alam na may haharapin na naman siyang bagong kontrobersya. Pero in fairness, may mga ilang nagtanggol kay Alex at sinabing hintayin muna ang paliwanag ng aktres hinggil dito.

Ivana nilayasan ang ka-date na nang-away ng waiter; 7 ang gustong maging anak

Alden hiyang-hiya nang ipa-tattoo ng female fan ang pangalan niya: Grabe naman to!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Basher supalpal kay Moira sa isyu ng pagbubuntis: Itigil mo yang pagsukat ng halaga ng babae sa kung kaya niya mag-anak o hindi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending