Ivana nilayasan ang ka-date na nang-away ng waiter; 7 ang gustong maging anak | Bandera

Ivana nilayasan ang ka-date na nang-away ng waiter; 7 ang gustong maging anak

Reggee Bonoan | March 21,2021 - 03:45 PM

“HOTTEST woman in YouTube, the one and only Ivana Alawi!” ang pagpapakilala ni Toni Gonzaga-Soriano sa actress-vlogger bilang guest sa kanyang bagong YouTube video.

Ang episode ay pinamagatang “Ivana Reveals Her Worst Date Experience” kung saan pinag-usapan nina Toni at Ivana ang lalaking naka-date ng aktres na nilayasan niya at hindi na pinansin ever.

Unang tanong ni Toni, what makes Ivana Alawi mad, “Mga liars and mga taong mayabang at taong who put people down,” sagot ng dalaga.

What gets your attention? “People na humble and people who give back.  Parang wow, ang daming ganu’n din.”

What Ivana gets attention when it comes to guys? “Ngiti! Ha-hahaha!” natawang sabi ni Ivana.

At naa-attract din siya, “Physically ha, pero pagdating sa guys na nakikita kong matalino saka goal driven na may gusto siyang gawin sa buhay.”

Sa physical ang hinahanap ng vlogger, “Pinoy! Dati sabi nila mag-Afam (foreigner boyfriend), sabi ko ayaw ko gusto ko Pinoy. Kasi they’re very loving, very caring and most of the Pinoy very family-oriented at ‘yun ang gusto ko.”

Tinanong ni Toni kung ilang taon si Ivana nang ma-heartbroken, “17-years-old,” sagot ng dalaga.

Ano ang natutunan ni Ivana sa first heartbreak niya? “Listen to your mom kasi mama ko no’n ayaw niya (sa dating boyfriend) talaga.  Pinalayas na niya ako, sabi ko, ‘bahala ka diyan, papakasal na ako.’

“Feeling ko kasi parang alam ko na ‘yung gagawin ko pero mama ko talaga ayaw niya sabi niya, ‘bahala ka basta ako hindi suportado diyan kasi bata ka pa, marami ka pang kailangan gawin.’

“E, nasa utak ko no’n, gusto kong maging housewife, ‘yun naman talaga ang gusto kong gawin, 17 ako no’n, akala ko kasi pag 18 na ako kasal na ako, charot!  Tapos na heartbroken ako. Tapos nu’ng okay na ako, umuwi ako kay mama umiiyak ako sabi niya, ‘ano nasaktan ka no? Halika na uwi ka na dito.’

“’Yun ‘yung nagustuhan ko kay mama kasi parang hindi ka niya kini-keep na ‘oy bawal kang masaktan, ay bawal ka ng mga ganito.’  She let’s me experience life.”

Sa tanong kung anong best lesson na naturo ng mama ni Ivana sa kanya pagdating sa pag-ibig, “Huwag mo ibigay ang lahat. Reserved 20%,” sabi ng dalaga.

Sinang-ayunan naman ito ni Toni na dapat 80-20 at si Direk Joey Reyes daw ang nagturo sa kanya na magtira ng 20% para sa sarili.

“First time kong marinig ‘yun sa kanya (direk Joey) na kapag nagmahal ka, huwag mong ibibigay ang buong mundo mo kasi pag umalis siya, dala niya ‘yung mundo mo,” kuwento ni Toni.

Nabanggit din ni Ivana na mas gusto niya sa bahay kaysa nasa labas, “Homebody ako, saka gusto ko nanonood ako ng TV, nanonood ng mga vlogs tulad ni Alex (Gonzaga-Morada) kasi tuwang-tuwa ako sa kanya saka si Tulfo (Raffy),” kuwento ng dalaga.

Inamin din nito noong kabataan niya na lagi siyang lasing at umuuwi ng umaga na kaya galit na galit ang mama niya.

“Sabi ko, I have to change, I have to change for the better kasi wala namang nangyayari sa akin sa pag-inom ko ng alak. Hindi naman gumaganda ang career ko, hindi naman ako yumayaman,” pagtatapat ni Ivana.

Ano ang worst date experience niya? “May time kasi na we were eating in a restaurant pinagsisigawan niya ‘yung waiter, pinagmumura niya.  Parang siguro he’s trying to impress me pero hindi niya alam sobrang na-turn off ako do’n the way that he treated that waiter.

“Sabi ko, kung ganu’n siya magtrato sa waiter he can treat anyone always like that, he cant treat me (like that), he can treat my family (too) kaya sabi ko ang lala niya tapos ‘yung waiter umiiyak.

“Nag-walkout na ako tapos kinausap ko ‘yung waiter nag-sorry ako kasi ayaw ko ng nakakakita ng ganu’n.”

Sa tanong ni Toni kung artista ba ang ex niya, “Thank you. Ha-hahaha!” tumawang sagot ni Ivana.

“Ah talaga artista?” balik-tanong ng TV host-vlogger.

“Hindi ko alam ate Toni, baka maghulaan na naman sila niyan. Ha-hahaha!” tumawa uling sabi ng dalaga.

Kino-consider ba niya kung showbiz o non-showbiz ang guy in terms of dating? “Wala, pero ako, I like having a private relationship kasi feeling ko kapag in-out agad namin parang mabilis masisira kasi lalo na kapag ang lalaki affected sa bashers, affected sa comments.  Pero wala pa naman akong relationship na private, sinasabi ko lang.

“Pero (kung meron) showbiz o non-showbiz, I want to be private, I want to be intimate,” paliwanag ng dalaga.

At diretsahan din niyang sinabi na wala siyang karelasyon ngayon kaya nagulat si Toni, “Single si Ivana!”

“Sana (meron). Marami ang nagtatanong nga actually kung nasa private relationship ako, no talaga, not yet,” pagtatapat ng dalaga.

Matagal na rin daw ‘yung huling date niya, “Three months ago.”

At guys may panawagan ang sexiest and hottest girl in YT, “Sana kung sinuman ‘yung magiging relationship ko, sana siya na ‘yung magiging asawa ko, maging tatay ng mga anak ko,” say nito.

Pero sana kayanin ng magiging asawa ni Ivana dahil, “Gusto ko mga pito o anim na anak.”

Sa tanong ni Toni na, “Where do you see yourself five years from now, you’ll be 29 (years old)?” “I think, five years from now, may asawa na ako.  But I think five years from now I’ll still be vlogging kung gusto pa ako panoorin ng mga tao na mga nagmamahal sa akin and siguro I would put up my own business,” pahayag ng dalaga.