Alden hiyang-hiya nang ipa-tattoo ng female fan ang pangalan niya: Grabe naman to! | Bandera

Alden hiyang-hiya nang ipa-tattoo ng female fan ang pangalan niya: Grabe naman to!

Ervin Santiago |April 06,2021
facebook
share this

Alden hiyang-hiya nang ipa-tattoo ng female fan ang pangalan niya: Grabe naman to!

Ervin Santiago - April 06, 2021 - 02:41 PM

HIYANG-HIYA ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards nang malamang may isa siyang female fan na nagpa-tattoo ng pangalan niya sa katawan nito.

Aliw na aliw ang Kapuso viewers sa pasabog na paandar ng Pambansang Bae nang mag-guest siya recently sa morning talk show ng GMA 7 na “Mars Pa More.”

Sa kauna-unahan kasing pagkakataon, tinanggap ni Alden ang hamon sa kanya na mag-decorate ng cake.

At habang ginagawa nga niya ito sa harap ng camera, sinasagot ng Kapuso matinee idol ang ilang tweet mula sa kanyang mga loyal supporters.

Ayon kay Alden, ito ang first time na magde-decorate siya ng cake sa harap ng sambayanang Filipino, “Shoutout muna sa mga pars and mars natin na nanonood ngayon.

“Good morning po sa inyo and we’re currently here sa Studio 7 ng GMA, and currently nagte-taping po tayo para sa Centerstage,” pahayag ng TV host-actor.

Dugtong pa niyang chika, “Break po kami ngayon, so meron po kong time para makipagkulitan sa mga mars and pars questions niyo. Gagawin ko ‘yon habang magde-design po ako ng cake.

“Yes, you heard it right. Magde-design po ako ng cake and this is my first time doing this,” mensahe pa ng award-winning Kapuso heartthrob.

At habang busy nga sa kanyang cake decoration challenge, isinabay na rin niya ang isa pang hamon ng “Mars Pa More”, ang “Alden’s Sweets For Your Tweets”

Isang die hard fan ni Alden na nagpakilalang si Marinela Lucero ang nag-tweet at nagsabing ginawa na raw niya ang lahat ng pagpapapansin sa Twitter para lang makuha ang atensyon ng binata at sana raw this time ay mabasa na ang kanyang message.

Reply naman sa kanya ni Alden, “Grabe naman, Marinela Lucero. Pasensya ka na hindi kasi talaga ako mabasa ng mga tweets lately. Pero minsan nagkakaroon rin ng chance. So, shoutout sa ‘yo.”

Isa pang fan ng aktor na nagpakilalang si Jhaye Mumay ang nag-tweet ng, “Ano ang pinaka namimiss mo sa mga fans mo? Kasi ikaw miss na namin makabonding. Ingat ka palagi! #MarsPaMore#AldenRichards.”

Natatawang sagot ng Pambansang Bae sa kanya, “Hindi ko itatago ‘yon. Kilala ko sa personal ‘yan. Hoy, Jhaye. Miss ko na kayong lahat.

“Nami-miss ko talaga lately ‘yung fan gatherings. Kasi social gathering siya, public gathering siya, so pinagbawal siya ng government.

“Ginagawa ko kasi ‘yon regularly. Iba kasi ‘yung may personal connection ka sa fans mo, e. Hindi ka lang nila sinusuportahan because of being a fan, sinusuportahan ka nila kasi they really know you personally,” paliwanag pa ng binata.

Nagulat naman ang Kapuso Drama Prince at halatang nahiya nang sabihin ng isa pa niyang fan na si April Ann Suayan ang ginawa nitong pagpapa-tattoo ng pangalan ni Alden noong nakaraang taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Grabe naman to! April, thank you. Thank you. Sobrang thank you. But minsan talaga kapag ano…nahihiya kasi ako kapag ganito, e. Parang wala akong (masabi), speechless ako. Sobrang speechless. Pero thank you talaga,” ang reaksyon ni Alden.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending