Toni tinalakan ng netizens dahil sa pambabastos ni Alex sa waiter: 'Kastiguhin at turuan mo ng leksyon ang kapatid mo!' | Bandera

Toni tinalakan ng netizens dahil sa pambabastos ni Alex sa waiter: ‘Kastiguhin at turuan mo ng leksyon ang kapatid mo!’

Ervin Santiago |January 18,2023
facebook
share this

Toni tinalakan ng netizens dahil sa pambabastos ni Alex sa waiter: ‘Kastiguhin at turuan mo ng leksyon ang kapatid mo!’

Ervin Santiago - January 18, 2023 - 12:23 AM

Toni tinalakan ng netizens dahil sa pambabastos ni Alex sa waiter: 'Kastiguhin at turuan mo ng leksyon ang kapatid mo!'

Toni Gonzaga at Alex Gonzaga

NADAMAY na rin si Toni Gonzaga sa matinding galit ng madlang pipol sa nakababata niyang sisteraka na si Alex Gonzaga.

Tinalakan din ng mga netizens si Toni at pinagsabihang kastiguhin ang kapatid dahil paulit-ulit na lang ang ginagawa nitong pambabastos at panghihiya sa mga inosenteng tao.

Sa kanyang Instagram account, binati ni Toni si Alex sa 35th birthday nito kamakalawa, January 16, kalakip ang litrato nila together. Ito’y sa gitna nga ng pambabarag sa actress-vlogger ng mga netizens dahil sa ginawa niya sa isang waiter.

Hanggang ngayon ay hot topic pa rin sa social media ang ginawang pagpahid ni Alex ng icing sa mukha ng food server na may hawak ng cake sa kanyang birthday salubong.

“Happy Birthday Cat!!! Love you!!! Nung bata ka pa you always question bakit mas matanda ang ate sakin eh mas nauna ako mag birthday sa kaniya,” ang caption ni Toni sa ipinost niyang photo nila ni Alex sa IG.

“Love u sissss!!” ang reply naman ni Alex sa birthday greeting ng kapatid.

Pero sa halip na makibati rin kay Alex, inutusan nga ng mga IG users si Toni na turuan ng leksyon ang kanyang kapatid dahil paulit-ulit na lang daw ang paggawa nito ng sablay.

“Please reprimand your sister wag lagi puro patawa at the expense of others! There are other ways to make people happy but not by bullying!!!”

“Happy Birthday Catherine aka Alex! Ngayon na tumatanda ka na sana ilagay sa lugar ang mga jokes at pagiging magaslaw, lalo na at may asawa ka na.. dont get me wrong maam, I’m a fan I watch your YT uploads inaabangan ko kayong dalawa magkapatid. Pero pasensya na, di lang din kasi talaga maganda actions mo minsan.”

“Pagsabihan mo ang kapatid mo nang minsan magkaroon ng manners. Irespeto ang kapwa. Kung gusto niya magpulapol ng cake huwag niya isali ang waiter. Lahat na lang gusto gawin sa kapwa, katatawanan.”

“Happy birthday Ms. Alex, sana po sumabay na yung ugali mo sa edad mo. Magmature na sana si Ms. Alex ng 50% lang tapos may 50% pa din na harot at kulit.”

“Katatawanan. Respeto naman sa mga taong mas mababa sa inyo. Mag-apologize ka Catherine sa waiter na dinamay mo. Gusto mo pala ng cake na ipulapol sa mukha di sa kapamilya mo ginawa o bisita mo nang malaman mo ang ginagawa mo.”

“I have nothing against you Ms. Toni pero bastos kapatid mo. Sana mapagsabihan siya to act her age. Hindi yung she will make a prank sa waiter who is just doing his job. Hindi porke artista eh may karapatan na gawin kung ano ano without even thinking kung makakasakit or makakapanghiya siya ng tao.”

“I have empathy so no need to talk to him to know what he felt obvious naman sa facial expreaaion nya na nagulat siya.”

Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ng madlang pipol kung paano dedepensahan ni Alex ang sarili sa bagong kinasasangkutang issue.

Alex Gonzaga durog sa netizens matapos pahiran ng cake sa mukha ang kaharap na waiter: ‘Napakabastos!’

Ivana nilayasan ang ka-date na nang-away ng waiter; 7 ang gustong maging anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Toni Gonzaga welcome pa rin sa ABS-CBN kahit nag-resign na dahil sa pagsuporta kay Bongbong Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending