Misis sinampal si mister, ibang name ang binanggit habang tulog

Misis sinampal si mister, ibang name ng babae ang binanggit habang tulog

Ervin Santiago - March 03, 2025 - 06:45 AM

Misis sinampal si mister, ibang name ng babae ang binanggit habang tulog

Stock image

SA lahat ng mga lalaking may dyowa, na-experience n’yo bang masampal ng inyong partner habang natutulog dahil lamang sa isang panaginip?

Kung “yes” ang sagot n’yo, well, hindi kayo nag-iisa dahil may isang girlalu na umaming natampal niya ang kanyang asawa dahil pangalan ng ibang babae ang nabanggit nito habang nananaginip.

Nagsumbong ang isang misis sa nangyari sa kanila ni mister kamakailan sa pamamagitan ng Facebook page na Peso Sense.

“Please hide my identity…thank you admin.

“Anu po mararamdaman mo kapag narinig mo husband mo habang tulog may binabanggit na pangalan ng babae??” ang simulang pagbabahagi ng letter sender.

Baka Bet Mo: Gigi de Lana nabugbog ang katawan sa aksidente: ‘Nakahiga at tulog kasi ako tapos tumilapon po ako sa driver’s seat’

Pagpapatuloy pa niya, “Tinanung ko sya kung bakit nya napapanaginipan, kung pinagnanasaan ba nya or lagi nya iniicip.

“Sabi nya di daw nya alam ang napanaginipan nya..Pero dinig na dinig ko 2 times nya binanggit ang pangalan ng babae.

“Tama bang magalit ako at sinampal ko sya habang tulog…tpos ilang araw ko na hindi kinakausap ngayun sa sobrang inis ko.”

Maraming nagkomento sa hugot ni wifey at karamihan ay naka-relate sa kanya.

“Bat mo kasi ginising sana inantay mo sabihin kung ano real name para masearch mo sa fb.”

“Sender legit yong mga tulog pag sasalita mg record ka at kausapin mo. Ng sasabi yan ng totoo kaysa gising mo kausapin. Mahinahon lang para hindi magising. Tanong mo kaagad ‘gaano mo na katagal girlfriend yan?’ Saan ng work? Saan nakatira? Ano pangalan naka save sa celfon mo? Paano kau nagkakilala? Yong kapatid ko kasi palaging ng sasalita pg tulog kinakausap ko sumasagot naman.”

“Ganyan yung ex husband ko, Hahaha nung tinanong ko kinabukasan wala daw siyang alam. pero ginwa ko pinakiramdaman ko siya, mga ilang araw nung gabi na bigla ako ngising ngulat ako wala sa tabi ko,akala ko nunuod lang ng tv at bukas ang tv, pag bangon ko wala nman tao. sinungsong ko sa labasan diko mkita sa isip ko wala nman tao sa  kalsada,nung nkita ko nasa tricycle pala may katawagan ang hayop!”

“Mgtulog tulugan ka din maam tpos mg banggit ka ng pangalan ng lalaki..If sitahin ka dun mo na isingit un name na binabnggit nya.”

“Hindi naman kasi totoo ang mga
panaginip. Ako madalas nananaginip ako ng ganyan. Like iba ang asawa ko. Hahaha pero sa totoong buhay wala naman akong iba. Sadyang weird lang ang mga panaginip.”

“Baka may napulot na Id ang asawa mo at tinawagan niya. Huwag ka ng magduda. Mahal ka niyan at importante nasa sayo ang sahod.”

“No offense, oa na ang ganito. Pangit siguro ang sender na to kaya pati ang panaginip ng asawa pinag dududahan. Pag nananaginip na ang tao, prang deads na din yan ,ng lalakbay na ang diwa uncontrollable na. Tinalo pa si Tuterman.”

“Sa tanda kong to yan ang isa sa ayaw kong maranasan ang magbanggit sy ng name ng girl kaso twing nananaginip cy nakikipag away  kelangan ko lumayo kc nanununtok.”

“Ako nga eh lasing na lasing banggit yung name ng ex nya at ang sabi pa ‘Di ko ugaling mng agaw kahit my bago kana babawiin pa rin kita kasi mahal n mahal kita blah blah’ ako pa yung ngpupunas para mahimasmasan kinabukasan walang maalala nong tinanong ko. U di ba!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Dapat tinanong mo ng numero na tatama tas taya ka agad sa lotto or sa stl kc sumasagot sila kahit tulog hehe. Malay mo tumama edi Yun na next post mo Dito ke peso sense.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending