GMA nagbabala sa mga scammer na nagpapa-audition para sa ‘Encantadia’
NAG-ISSUE ng warning sa publiko ang GMA 7 laban sa mga sindikato at scammer na gumagamit sa upcoming series na “Encantadia Chronicles Sang’gre.”
Nakarating kasi sa mga bossing ng Kapuso Network na may mga taong nambibiktima ng mga inosenteng tao sa pamamagitan ng pekeng pa-audition.
May mga kumakalat kasing announcement sa social media na nanghihikayat sa mga nais mag-artista at maging bahagi ng inaabangang “Encantadia Chronicles”.
Baka Bet Mo: Patikim ng ‘Sang’gre’ pak na pak; Kyline bida sa remake ng hit K-Drama
Narito ang official statement ng Kapuso Network hinggil sa naglipanang scammer.
“GMA Entertainment Group is again warning the public against online scammers posting about fake auditions for ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre’.
View this post on Instagram
“The perpetrators are wrongfully using the name of GMA Network to ask for money and/or solicit private photos and information.
“Victims of these fake auditions are encouraged to report to the authorities,” ang bahagi ng pahayag ng GMA.
Nakasaad din sa statement ng GMA Entertainment Group, walang nagaganap na audition para sa pagbabalik ng “Encantadia”.
“All official announcements are posted on GMA’s official social media accounts,” sabi pa.
Baka Bet Mo: Ruru Madrid, Kylie Padilla iniwasang mapalapit sa isa’t isa habang ginagawa ang ‘Encantadia’
Mula sa direksyon ni Mark Reyes, ang “Encantadia Chronicles: Sang’gre” ay pagbibidahan nina Bianca Umali, Faith Da Silva, Kelvin Miranda at Angel Guardian.
Makakasama rin dito sina Rhian Ramos, Glaiza de Castro, Sanya Lopez, Rocco Nacino, at Solenn Heussaff.
* * *
Nanggagalaiti na sa galit ang maraming viewers sa painit na painit na mga kaganapan tuwing hapon sa revenge drama series ng GMA Public Affairs na “Makiling” starring Derrick Monasterio and Elle Villanueva.
Hook na hook ang marami sa panonood kaya naman consistent ang pamamayagpag nito sa parehong TV at online ratings.
View this post on Instagram
Sey nga ng netizens, hirap na silang i-contain ang kanilang mga emosyon dahil nakakagigil at nakaka-highblood na talaga ang mga kontrabida sa serye.
Excited na sila sa pagdating ni Amira version 2.0 para naman maipaghiganti ang kanyang sarili pati na rin ang mga inosenteng natapak-tapakan ng Crazy 5.
Intrigang-intriga na rin sila sa mga susunod na eksena ngayong unti-unti nang nari-reveal ang sikreto ng mga karakter.
Kapit lang dahil mas marami pang intense scenes ang dapat pakaabangan. Makigigil, makiganti, at manood ng “Makiling” tuwing 4 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.