Ruru Madrid, Kylie Padilla iniwasang mapalapit sa isa't isa habang ginagawa ang 'Encantadia' | Bandera

Ruru Madrid, Kylie Padilla iniwasang mapalapit sa isa’t isa habang ginagawa ang ‘Encantadia’

Ervin Santiago - January 24, 2022 - 07:16 AM

Kylie Padilla at Ruru Madrid

KNOWS n’yo ba na sadyang iniwasan nina Kylie Padilla at Ruru Madrid ang isa’t isa habang ginagawa nila noon ang Kapuso fantasy-adventure-action series na “Encantadia.”

Naikuwento ng Kapuso tandem ang tungkol dito sa first episode ng “What #RU made of?” vlog series ni Ruru na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Ayon sa hunk actor, sinubukan daw niya noon na makipaglapit kay Kylie sa likod ng camera pero mismong ang aktres ang lumalayo sa kanya.

Reaksyon naman ni Kylie, “Inaamin ko naman na mali naman talaga ’yon, kung paano ako before. Kailangan ko lang dumistansya. Dumistansya talaga ako nu’ng time na ’yon.”

Paliwanag niya, “Kailangan kong umiwas para walang magselos. Siyempre respect na lang. Natatakot na ’ko. Ayoko ng gulo both sides. Kailangan lang mag-ingat in respect to other people.”

Sabi naman ni Ruru, naiintindihan niya ang naging desisyon ni Kylie na umiwas sa kanya dahil pareho silang may partners noon – karelasyon ni Kylie si Aljur habang may “someone” na rin siya that time.

“Naiintindihan ko nu’ng mga panahon na ’yon. Ang daming restrictions sa ating dalawa. Kahit sobrang effective sa TV, off-cam, I’m not saying na ’di tayo nag-uusap, pero merong wall lagi,” pahayag ng binata.

“Feeling ko, somehow, naapektuhan. Malaking bagay na kapag merong someone, tina-try natin pigilan ang sarili natin mag-usap lalo na baka may magselos, which is understandable,” aniya pa.

View this post on Instagram

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


Nagpapasalamat naman ang dalawang Kapuso stars sa GMA 7 dahil sa tiwalang ibinibigay sa kanilang tambalan. Sa katunayan, talaga raw nalungkot si Ruru nang magpaalam si Kylie sa “Encantadia” dahil nagdadalang-tao na siya sa panganay nila ni Aljur.

Na-sad din naman daw si Kylie sa pag-alis niya sa “Encantadia” dahil love na love raw niya ang serye, pero aniya, “Happy naman ako kasi gusto kong magka-baby talaga
“Yung timing lang talaga kasi gusto ko sana tapusin kasi mahal na mahal ko ang ‘Encantadia’ noon.

“It was unplanned but I wanted the baby. Gusto ko talaga ng family. It just so happened na ’yung timing, medyo napabilis,” sabi pa ni Kylie na nagsabing game na game pa rin silang buhayin ang kanilang mga karakter sa “Encantadia” kung magkakaroon uli ito ng sequel.

Sa ngayon, paisa-isa lamang ang tinatanggap na project ni Kylie dahil sa pagiging single mom. Nasa kanyang pangangalaga ngayon ang dalawang anak nila ni Aljur.
https://bandera.inquirer.net/303651/ruru-bilib-na-bilib-kay-kylie-walang-arte-walang-reklamo-i-will-always-care-for-you

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/303194/ruru-madrid-inatake-ng-depresyon-muntik-nang-mag-quit-sa-showbiz-2021-its-not-a-good-year-for-me

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending