Pokwang binalaan ang publiko sa mga scammer at sindikato sa socmed: Huwag po kayong basta maniwala | Bandera

Pokwang binalaan ang publiko sa mga scammer at sindikato sa socmed: Huwag po kayong basta maniwala

Ervin Santiago |December 12,2022
facebook
share this

Pokwang binalaan ang publiko sa mga scammer at sindikato sa socmed: Huwag po kayong basta maniwala

Ervin Santiago - December 12, 2022 - 03:58 PM

Pokwang binalaan ang publiko sa mga scammer at sindikato sa socmed: Huwag po kayong basta maniwala

Pokwang

BINIGYANG-BABALA ng Kapuso TV host-comedienne ang publiko laban sa mga scammer o sindikato na naglipana ngayon sa social media.

Ngayong holiday season, inaasahang mas dadami pa ang mga manloloko at manggagantso lalo na sa socmed na mas madaling makapambiktima ng mga inosente nating kababayan.

At isa na nga sa mga nabiktima ng  scammer ay si Pokwang na ginamit pa ang brand ng kanyang food business.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Pokey sa kanyang socmed followers na may bago nang pangalan ang kanyang mga ibinebentang produkto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Sey ni Pokwang matagal nang tumigil sa operasyon ang dati niyang food business na “PokLee”, na pinagsamang pangalan nila ng dating partner na si Lee O’Brian.

Mensahe ng komedyana, “BABALA! Matagal na pong out sa Shopee at Lazada ang dating product na Poklee wag po kayong maniwala dahil ibang brand ang ipapadala sa inyo.”

Paglilinaw pa ng Kapuso star, ang bagong pangalan ng kanyang bottled food products ay Mamang Pokwang’s Gourmet (laing, espesyal na suka, tuyo at iba pa).

Payo pa ni Pokey sa publiko, siguruhing mag-order sa official Instagram at Facebook page ng kanyang bagong food business.

“Ito pong @mamangpokwangs_gourmet ay legit pwede po kayong umorder sa IG at FB page ng @mamangpokwangs_gourmet again wala na pong PokLee ingat sa scammer!!” pahayag pa ng komedyana.

Sa isang IG post noon, ibinida ni Pokey ang bagong itsura ng kanyang negosyo, “And i’m baaaackkkk!!!! fighting and kicking para sa ekonomiya hahaaaa Paakk this is it!!! bagong bihis pero same at mas pinasarap.”

Modus ng Budol-Budol Gang buking ni Ara; binalaan ang mga kapwa negosyante

Barbie, Jak nabiktima rin ng sindikato sa FB: To whoever made this, you’re welcome!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pia Wurtzbach ‘binalaan’ ng TikTok followers ni Joshua Garcia: ‘Walang Miss U-Miss U dito!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending