Angel Guardian mangiyak-ngiyak habang binibigyan ng tips ni Iza Calzado sa pagganap na Deia sa ‘Sang’gre: Encantadia Chronicles’
MALUHA-LUHA sina Iza Calzado at Angel Guardian habang nakikipagchikahan sa ilang members ng showbiz press kamakailan.
Present ang dalawa sa naganap na mediacon ng horror trilogy na “Shake, Rattle & Roll Extreme” mula sa Regal Entertainment last Tuesday, November 14.
Nagsimula ang closeness ng dalawa nang magsimula ang shooting nila para sa “Glitch” episode ng “Shake, Rattle & Roll Extreme” na idinirek ni Richard Somes.
Sa last shooting day daw nila, naikuwento ni Angel kay Iza na siya ang gaganap bilang Deia sa bagong telefantasya ng GMA na “Sang’gre: The Encantadia Chronicles.”
Ang karakter ni Deia, na gagampanan nga ni Angel, ang bagong itinalagang tagapangalaga ng brilyante ng hangin.
“Alam mo talagang ano, oh my God! What were the chances, di ba? Sabi ko, ‘Ikaw si Deia?” ang pahayag ni Iza.
“Tapos sinabi ko sa kanya, ‘Ganito…’ Tapos lang niya na-realize, galing pala talaga sa kay Deia. Yun, medyo we had an emotional moment and I did give her all of my well wishes you know. And siyempre, we all need a lot of support,” pagbabahagi ng aktres.
Baka Bet Mo: Iza Calzado ibinandera ang baby milestones ng anak: It’s amazing to see her progress
“Sometimes, you know, marami kasi tayong mga artista na matagal na nandiyan, and all we need is that opportunity. And God has blessed you this opportunity, alagaan mo siya,” dagdag ni Iza.
View this post on Instagram
Binigyan daw ng ilang payo ni Iza si Angel sa bagong role na ipinagkatiwala sa kanya, “Siyempre, iba kapag binigyan ka ng malaking papel, bagong role. Ibang pressure na kasama niyan, di ba? Iba ang oras mo.
“Tapos mapapagod ka, kasi mas maraming maa-assign sa yo na sequences, na ganito. Mas maraming demands, basically,” sey pa ni Iza.
Hiningan naman si Angel ng reaksyon sa mga pahayag ni Iza, “Nakita ako ni Ms. Iza kung gaano ako kasaya actually, and still the same feeling.
Baka Bet Mo: Aiko nakiusap na pagbigyan siyang magbalik-teleserye: Yung kikitain ko po idadagdag ko rin sa ipangtutulong ko
“I’m just very grateful to Ms. Iza, kasi ganyan siya, eto siya, very warm, very loving. And she could just you know, ignore me.
“Alam mo yun, eto okay, eto si Deia, just give an advice and then bye. But she’s not like that. She’s very warm. She’s very, I don’t know, you’re very inspiring,” ang mangiyak-ngiyak na sabi ng Kapuso young actress.
Matatandaang gumanap si Iza bilang Sang’gre Amihan sa original version ng Encantadia (2005) at dahil napakalapit nito sa puso niya, pinangalanan niyang Deia Amihan ang panganay nila ni Ben Wintle.
Kuwento ni Iza, humingi pa raw ng permiso ang direktor ng “Encantadia” na si Mark Reyes na gagamitin nila ang pangalang Deia sa “Sang’gre”.
“Kinilig ako actually. Yun nga, sabi ko, ‘Basta Direk, mabuti yung character.’ Kasi siyempre, parang hinuhubog mo public perception ng Deia, di ba?
“Because there is Deia really my child, and she has her own personality and characteristics that we will all see as she grows up.
“But siyempre, at this very moment na wala pa yun, and you’re coming out with this show and it’s again, it’s not a common name in the Philippines, right?
“So, yun sana yung character na mamahalin ng tao. Kasi siyempre yun lang naman din yung gusto ko para sa anak ko,” sey pa niya.
Sey pa ni Iza, napili niyang pangalanan ang anak ng Deia Amihan, dahil malaki ang nagawa nito sa kanyang buhay at career.
“Kaya pinangalanan ko si Deia ng Amihan din, kasi nagbigay siya ng suwerte sa akin ng parang grabeng good energy,” sey ni Iza.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.