Iza bakit nag-‘yes’ agad-agad sa play na ‘Tiny Beautiful Things?’

Iza bakit nag-‘yes’ agad-agad sa play na ‘Tiny Beautiful Things?’

Pauline del Rosario - November 07, 2024 - 04:36 PM

Iza bakit nag-‘yes’ agad-agad sa play na ‘Tiny Beautiful Things?’

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

ANO nga ba ang rason na napa-oo agad ang batikang aktres na si Iza Calzado para bumida sa upcoming play na “Tiny Beautiful Things?”

Ayon kay Iza, ito ay dahil mismo sa materyal o nilalaman ng script.

Ibinunyag pa nga niya na humagulgol siya sa iyak nang unang beses niyang binasa ang kwento ng play.

“When I read this (the script), we were actually doing ‘Shake, Rattle and Roll’ look test. Iyak ako ng iyak,” chika niya matapos tanungin ng media sa naganap na press conference.

Pagbabahagi pa ni Iza, “Kada page, mamaya may break ka lang kasi hindi naman lahat iyakan…So it’s a roller coaster ride.”

Baka Bet Mo: Iza ‘relate’ sa upcoming play, magaling bang mag-advice sa totoong buhay? 

Paliwanag din ng celebrity mom, “I just felt it was so important that people understand and we all go through the same things. Maybe not the same thing, but quite similar, and that we will be okay.”

Kasunod niyan, inamin niya na nakaka-relate siya rito dahil kahit siya ay may mga pinagdadaanang pagsubok sa buhay.

“I think on my personal level, I also struggled with so much and I’m sure so many people here have and we’re struggling with something that sometimes we’re not even brave enough to admit even to ourselves or to others and that’s tough and to just read this, I feel this quite healing in that sense,” wika ni Iza.

Pagmamalaki pa niya, “Tsaka tingnan niyo naman ‘yung cast, walang tapon! Tapos ‘yung direktor, award-winning! Ang galing talaga…It’s so much fun.”

“Ang gagaling and husay ng mga kasama ko na talaga namang nakaka-inspire,” giit niya.

Ang play ay hango sa bestselling book ng American writer na si Cheryl Strayed na tungkol kay Sugar, isang advice columnist, na nagbibigay ng advice sa iba’t-ibang tao.

Paglilinaw ng direktor na si Jenny Jamora, “Hindi siya sequel ng ‘Every Brilliant Thing’ as my mother said, hindi. Iba siya…both the book and the play is a tapestry of real letters by real people in real situations.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kina Iza at Gabby, tampok din diyan sina Ketchup Eusebio, Rody Vera, Regina De Vera, at Brian Sy.

Ang “Tiny Beautiful Things” ay mapapanood tuwing weekends simula November 16 hanggang December 8 sa Power Mac Center Spotlight Black Box Theater sa Circuit Makati.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending