Paul, Paolo feeling lucky na mapasama uli sa 'Shake, Rattle & Roll Extreme'; Jane umaming 'SRR' baby | Bandera

Paul, Paolo feeling lucky na mapasama uli sa ‘Shake, Rattle & Roll Extreme’; Jane umaming ‘SRR’ baby

Ervin Santiago |October 02,2023
facebook
share this

Paul, Paolo feeling lucky na mapasama uli sa ‘Shake, Rattle & Roll Extreme’; Jane umaming ‘SRR’ baby

Ervin Santiago - October 02, 2023 - 07:05 AM

Paul, Paolo feeling lucky na mapasama uli sa 'Shake, Rattle & Roll Extreme'; Jane umaming 'SRR' baby

Paolo Gumabao, Jane de Leon at Paul Salas

FEELING blessed and lucky sina Jane de Leon, Paul Salas at Paolo Gumabao dahil napabilang sila sa cast ng classic horror movie na “Shake, Rattle & Roll Extreme” mula sa Regal Entertainment.

Kabilang sila sa mga ipinakilala sa naganap na cast reveal lasrlt September 27, na magbibida sa tatlong episode ng “Shake, Rattle & Roll Extreme” na balak isali sa 2023 Metro Manila Film Festival sa darating na December.

Ang tatlong pasabog na episode ng “SRR Extreme” na aabangan ng mga Pinoy na mahilig sa katatakutang pelikula ay ang “Mukbang,” “Rage,” at “Glitch”.

Nagbigay ng trivia ang Kapuso hunk na si Paul sa presscon tungkol sa unang “Shake, Rattle & Roll” na ginawa niya ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Nakasama si Paul sa “Aquarium” episode ng “Shake, Rattle & Roll 2K5” na naging official entry sa 31st Metro Manila Film Festival noong December, 2005.

“Ito po ay second Shake, Rattle & Roll ko. I was six years old noong unang nagbigay tiwala ang Regal sa akin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas)


“Isa po yon sa talagang malapit sa puso ko dahil nanalo po akong best child actor noong time na yon sa ‘Aquarium’ episode kaya thank you.

“Bale 18th anniversary ko na po ngayon. It’s an honor na may magawa na bahagi ng istorya at sa pagbabalik ng Shake, Rattle & Roll this time, much extreme at marami kaming ibibigay pa sa inyo na talagang bago,” kuwento ni Paul na kasama naman ngayon sa “Mukbang” episode ng “Shake, Rattle & Roll Extreme.”

Baka Bet Mo: Carla hindi na magpapakasal ulit, may rebelasyon sa hiwalayan nila ni Tom: Talagang mas extreme na po, mas malala…

Pagbabahagi naman ni Paolo Gumabao, nakasali na rin siya sa isang episode ng “Shake, Rattle & Roll XV” na naging entry naman sa 40th MMFF noong December, 2014, pero aniya, extra-extra pa lang siya noon.

“This is not my first Shake, Rattle & Roll. I was in the last Shake, Rattle & Roll sa ‘Ahas’ episode,” sey ng Kapamilya actor.

“I was one of the model talents. Pero now, being in the latest Shake, Rattle & Roll, I feel very blessed and honored kasi simula bata ako, isa rin ang Shake, Rattle & Roll sa paborito kong panoorin.

“Dati, pinapangarap ko lang na kapag napapanood ko yung mga artista, sana paglaki ko, kasama ako. And now na nandito ako, parang it’s a surreal experience,” pahayag pa ni Paolo.

Samantala, aminado namang super fan at lumaki si Jane sa panonood ng “SRR” sa sinehan tuwing December kaya talagang dream come true para sa kanya ang mapasama sa cast ng “Shake, Rattle & Roll Extreme.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


“Nakakatuwa kasi laking Shake, Rattle & Roll ako since bata ako. Super dami ko nang napanood. At isa nga sa favorite ko yung kay Mama Iza (Calzado), yung ‘Yaya’ and ‘LRT Station,'” ani Jane na ang tinutukoy ay ang mga episode ng “Shake, Rattle & Roll VIII” na official entry sa MMFF 2006.

Ayon pa kay Jane, “Actually, marami akong napanood kaya hindi ako makapaniwala na naging parte na ako ng Shake, Rattle & Roll.

“Parang history na rin ito kasi next generation, kumbaga, kaya thank you Mother Lily and Miss Roselle Monteverde,” sabi pa ni Jane.

Sana nga makapasok sa MMFF 2023 ang “SRR Extreme” dahil siguradong marami na ang nakaka-miss sa classic horror movie ng Regal Entertainment.

Iza Calzado muntik layasan ang showbiz career dahil sa lalaki; umaasang mapipili ang ‘Shake, Rattle & Roll Extreme’ sa MMFF 2023

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anne Curtis, Vice Ganda nagkaroon ng matinding away nang dahil lang sa tumapon na watermelon shake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending