Carla hindi na magpapakasal ulit, may rebelasyon sa hiwalayan nila ni Tom: Talagang mas extreme na po, mas malala… | Bandera

Carla hindi na magpapakasal ulit, may rebelasyon sa hiwalayan nila ni Tom: Talagang mas extreme na po, mas malala…

Pauline del Rosario |February 17,2023
facebook
share this

Carla hindi na magpapakasal ulit, may rebelasyon sa hiwalayan nila ni Tom: Talagang mas extreme na po, mas malala…

Pauline del Rosario - February 17, 2023 - 12:04 PM

Carla hindi na magpapakasal ulit, may rebelasyon sa hiwalayan nila ni Tom: Talagang mas extreme na po, mas malala…

PHOTO: Instagram/@carlaangeline

NAGSALITA na ang aktres na si Carla Abellana patungkol sa hiwalayan nila ng dating mister na si Tom Rodriguez.

‘Yan ay walong buwan matapos i-anunsyo mismo ni Tom na divorced na sila ng aktres.

Nitong February 17, nagkaroon ng panayam si Carla kasama ang King of Talk na si Boy Abunda at isa-isa niyang sinagot ang maiinit na katanungan nito sa programang “Fast Talk with Boy Abunda.”

Kabilang na nga riyan ang tunay na dahilan kung bakit hindi naging maganda ang relasyon ng dalawan matapos ang tatlong buwan mula nang ikinasal.

Hindi man idinetalye ni Carla nang mabuti, pero inamin niya na bukod sa hindi lang ito ang first time na nangyari sa kanila ay lumala pa ito.

“Napakadaming dahilan. Kung ililista po natin medyo marami po ‘yan… bottom line is, kumbaga, umabot na po sa breaking point eh, kumbaga, sobra na po,” sey ni Carla.

Paliwanag pa niya, “There was, still, disrespect, all the lying and all that. There was no change.”

Dagdag din niya, “Hindi po ‘yun first time na nangyari sa amin kung anuman ang pinagdaanan namin pero ito po ‘yung, [it was] taken to a different level.”

“Talagang mas extreme na po, mas malala. You get to the point that it’s too much already,” aniya.

Nabanggit pa ni Carla na nag-iba ang kanyang pananaw pagdating sa pagpapakasal dahil sa nangyari sa kanya.

Sa katunayan nga raw ay hindi na niya nakikita ang kanyang sarili na siya ay magpapakasal pa ulit.

Sey ni Carla, “I really honestly don’t see myself getting married again. Parang nag-iba po eh, nabulabog po ‘yung aking konsepto or perception [of marriage].”

“I hope naman po that I will experience love again,” aniya.

Naniniwala rin daw siya na hindi dapat maging basehan ang tagal sa isang relasyon upang masigurong magiging matibay ang pagsasama.

“Wala na po siya sa tagal talaga. Hindi na po applicable or totoo ‘yung sinasabi na I know him too well or I know her too well. Unfortunately, we can still be wrong,” saad ng aktres.

Sa huli, nilinaw ng aktres na napatawad na niya si Tom at wala na siyang nararamdamang galit sa kaya.

Sey ni Carla, “For you to be able to forgive, kailangan po ako Tito Boy lagi kong sinasabi, I have to forgive myself first. So yes, I have.”

“Wala na pong galit. Ang hirap po magbitbit ng galit e,” ani ng aktres.

Matatandaang October 2021 nang ikinasal sina Tom at Carla matapos ang pitong taong magkarelasyon.

Related chika:

Hirit ni Ronnie Alonte kay Loisa Andalio: Magpapakasal kami at gagawa kami ng 7 na baby!

Toktok handang magserbisyo sa panahon ng ECQ

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilan pang lugar sa Muntinlupa, naka-lockdown na rin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending