Iza Calzado muntik layasan ang showbiz career dahil sa lalaki; umaasang mapipili ang ‘Shake, Rattle & Roll Extreme’ sa MMFF 2023
KNOWS n’yo ba na muntik nang layasan ng award-winning actress na si Iza Calzado ang mundo ng showbiz nang dahil lamang sa isang lalaki?
Yan ang inamin ng premyadong aktres at celebrity mom sa cast reveal at trailer launch ng “Shake, Rattle & Roll Extreme” na isa-submit ng Regal Entertainment sa 2023 Metro Manila Film Festival.
Natanong kasi si Iza kung anu-ang ang mga “extreme” na nagawa niya noon para sa kanyang personal life, lalo na sa love at career.
“Ang daming extreme sa buhay ko. Pagdating sa love, muntik kong iwan ang career na ito dati. Extreme ‘yun,” simulang tugon ng Kapamilya actress.
View this post on Instagram
Isa pa raw sa extreme na ginawa niya sa kanyang career ay ang paglipat sa ABS-CBN at ang pag-alis sa GMA, “Sa career, the extreme thing I did to shake up my career from growth was to move from one network to another.”
“Sa life, ang dami kong naiisip pero extremely shocking, na hindi puwedeng i-share. Just leave it at that for the imagination,” ang natatawa pang sey ni Iza.
“But I am extremely grateful to be part of ‘Shake Rattle & Roll Extreme.’ We are extremely excited to be part of MMFF. Sana. Ito ang aming manifestation. Handa naman kaming tanggapin ‘yung outcome gracefully,” dagdag pa ng premyadong aktres.
Extremely thankful and grateful din si Iza na napasama siya sa cast ng iconic horror movie na “Shake Rattle & Roll Extreme”. Personal pa siyang nagpasalamat sa Regal Entertainment executive na si Roselle Monteverde.
Baka Bet Mo: Yassi Pressman may bagong ‘mystery guy’; Nadine Lustre pumayag maglaro sa ‘Rolling In It PH’ season 2
“It feels great to be back working. Honestly, kapag gumagawa kasi ako ng isang proyekto, ayaw kong maglagay ng expectations kasi nakaka-pressure siya.
“I enjoy the process of making the film. I enjoy promoting the film. Ang aking dasal, ang aking hiling sa Panginoon, ay maraming makapanood ng pelikula.
“Sana magbalik na ang ating mga kapwa Pilipino sa panonood ng sine, ng pelikula. Ang tagumpay po ng isang pelikula ngayon really will signify the coming back to life of Philippine cinema,” aniya pa.
Naikuwento rin ni Iza ang naging kaganapan sa pagtalakay ng Eddie Garcia bill sa Senado na naglalayong protektahan ang karapatan at pangangailangan ng mga manggagawa sa entertainment industry, kabilang na ang mga producers.
View this post on Instagram
“I am quite passionate about having our industry have the best kind of practice to professionalize the industry in a sense that we would have the best working hours. Sabi nga ni Senator Jinggoy (Estrada) kanina, he wants this to be win-win for all,” aniya pa.
“Hinihikayat ko ang mga kasama ko ritong aktor na to be really interested and really be a part of this dialogue between producers and everybody. We deserve the best practice. We are for better practices in our industry.
“Kapag wala talagang tatangkilik ng pelikulang Pilipino, mawawalan tayo ng trabaho,” paliwanag pa niya.
Samantala, napanood na namin ang official trailer ng “Shake Rattle & Roll Extreme” na idinirek nina Jerrold Tarog, Joey de Guzman, at Richard Somes. At in fairness, promising ang pagbabalik ng isa sa mga favorite horror movie ng mga Pinoy.
Sana nga’y mapili bilang isa sa mga official entry sa MMFF 2023 ang “SRR Extreme” dahil sigurado kaming isa sa magiging topgrosser ito sa taunang filmfest.
Bukod kay Iza, ang ilan pa sa mga bibida sa bagong version ng “SRR” sina Jane de Leon, Jane Oiñeza, Paolo Gumabao, Paul Salas, RK Bagatsing, AC Bonifacio, Donna Cariaga, Rob Gomez, Angel Guardian, Sarah Edwards, Miggs Cuaderno, Dustin Yu, Mika Reins, Bryce Eusebio, Jewel Milag, Esnyr Ranollo, Jana Taladro, Elle Villanueva, Ninong Ry, Ian Ginema, Francis Mata, Jericho Ejercito, at Girlie Ejercito.
Anne Curtis, Vice Ganda nagkaroon ng matinding away nang dahil lang sa tumapon na watermelon shake
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.