Fil-Am rapper Ez Mil game rin sa aktingan, type makatrabaho sina Gerald, Nadine at Sarah: Gusto kong makasama sa ‘Shake, Rattle & Roll’
KUNG mabibigyan ng pagkakataon, game na game rin ang Filipino-American rapper na si Ez Mil na sumabak sa pag-aartista.
At knows n’yo ba kung ano ang type niyang gawing movie kung sakaling may mag-offer sa kanya na mag-try sa acting? Like na like raw niya ang horror at suspense-thriller.
Sa mediacon ng bago niyang album, ang “DU4LI7Y” (Duality) mula sa FFP Records, distributed by Virgin Music/UMG, na ginanap last Friday, July 22, natanong si Ez Mil kung may balak din ba siyang subukan ang pag-aartista.
Umoo naman ang binata at sinabing wala namang masama o magiging problema kung gagawa siya ng teleserye o pelikula dahil gusto rin niya itong ma-experience.
Sinundot namin ito ng tanong kung sinu-sino ang mga naiisip niyang local artists na gusto niyang makatrabaho.
Una niyang binanggit ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson dahil napanood daw niya ang ilang projects nito. Ikalawa niyang sinabi ay si Nadine Lustre.
Gusto rin daw niyang makatrabaho sa isang acting project si Sarah Geronimo.
Pero ang ultimate dream project niya sakaling mabigyan ng chance umakting ay ang makasama sa isang horror movie. Sana raw ay makasama siya sa isang episode ng “Shake, Rattle & Roll” kung gagawa uli ang Regal Films ng bagong version nito.
View this post on Instagram
Samantala, after nga ng success ng first album niyang Act 1, may bagong regalo na naman ang rapper para sa kanyang fans, ito ngang bago niyang album na “DU4LI7Y” na kung ilarawan niya ay “more hopeful, and mature sound.”
Kung inilarawan ni Ez ang una niyang album na “Act 1” bilang “light to dark”, kabaligtaran naman daw nito ang “DU4LI7Y”.
“I tried to make a continuation of my first album, so it starts off as that, DU4LI7Y is dark to light,” aniya.
Kasama sa album ang mga kantang “Re-Up” at “Dalawampu’t Dalawang OO (2200),” “The simplicity of the words and how they were phrased, it definitely sounds like an older Ez. If I look at it from a second person’s perspective, ganu’n talaga ang nangyari from Act 1 to DU4LI7Y.”
Paglalarawan pa niya sa dalawang kanta, “It was to re-up the new product to the world who listens to Ez Mil, while Dalwampu’t Dalawang OO is based on my hometown of Olongapo. Yung cadence noon was inspired by the Olongapo hymn.
“With this song, I hope listeners can feel the angst, and my pride, mixed with orchestral instruments fused with nerve wracking-beats.
“It’s a song about the citizens of Olongapo first and foremost, the bad and the beauty, but it doesn’t just stick to one city but can speak to all Filipinos as a whole.
“I’ve always been proud of representing my hometown, 2200, so anyone who is proud of their city will definitely feel this,” sabi pa ng rapper.
Noong 2021, biglang sikat si Ez Mil dahil sa kanyang instant hit song na “Panalo.” Nang nag-perform siya sa Wish Bus USA, at kinanta ang “Panalo”, milyun-milyong views agad ang nakuha nito hanggang sa umabot na nga sa 71 million views.
https://bandera.inquirer.net/315861/skusta-clee-basag-na-basag-sa-fans-ni-zeinab-harake-matapos-mag-tweet-ng-kung-kailan-ka-nawala-saka-ako-pinagpala
https://bandera.inquirer.net/285557/hiling-ni-dennis-sa-mga-anak-sana-mahanapan-naman-nila-ako-ng-time-na-makasama-sila
https://bandera.inquirer.net/305232/kc-may-isa-pang-namana-kay-mega-bukod-sa-pag-aartista-mommy-ko-talaga-ang-nag-influence-sa-akin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.