Karla halos ikamatay pambabastos kay Daniel nang mag-break ang KathNiel
![Karla halos ikamatay pambabastos kay Daniel nang mag-break ang KathNiel](https://bandera.inquirer.net/files/2025/01/GridArt_20250130_093847589-1200x920.jpg)
Karla Estrada, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla
MATINDING sakit ang naramdaman ng TV host-actress na si Karla Estrada habang bina-bash at binabastos si Daniel Padilla dahil sa paghihiwalay nila ni Kathryn Bernardo.
Bilang ina, talagang apektado si Karla sa masasakit at maaanghang na salitang ibinabato sa anak noong kasagsagan ng breakup ng KathNiel bago matapos ang 2023.
Si DJ kasi ang sinisi ng mga fans sa paghihiwalay nila ni Kath matapos kumalat ang chika na nagkaroon umano ang aktor ng lihim na relasyon sa young actress na si Andrea Brillantes.
Grabe talaga ang inabot na pangnenega ng KathNiel fans kay DJ at halos lahat ng simpatya ng mga tao ay napunta kay Kathryn. Pero in fairness, never namang siniraan ni Kath ang dating boyfriend dahil wala itong sinabing masama laban kay Daniel.
Baka Bet Mo: Karla Estrada magbabalik sa pag-aaral: Nothing is too late
Sa unang pagkakataon naman ay naglabas ng saloobin si Karla tungkol dito sa pamamagitan ng “Fast Talk With Boy Abunda” kahapon, January 29.
Isa sa mga tanong ni Tito Boy sa kanya, “Ano ang pinakamalaking kontrobersiya na pinagdaanan ni Daniel na muntik ka nang bumigay?”
View this post on Instagram
Tugon ni Karla, “Siguro itong mga ibinatong masasakit na salita kay Daniel nitong mga nagdaang taon. I think yung paghihiwalay kasi nila, sa kanila ni Kathryn yon, e.
“Sila naman ang nakakaalam talaga at sila naman ang magreresolba kung ano man yung dahilan ng paghihiwalay at doon sa nangyaring hiwalayan.
“Pero yung salita ng tao na halos hindi mo na makain at sobrang kabastusan kung anuman ang…medyo yon ang hindi ko na kinakaya.
“Hindi ko kinakaya na parang ikamamatay ko.Hindi ko na halos kayanin na kailangan ko nang hanapin yung mga taong ganoon magsalita at isa-isahing sagutin,” dire-diretsong tugon ng nanay ni Daniel.
Pero mas pinili na lamang ng aktres na manahimik at hayaan na lamang sina Daniel at Kathryn ang magsalita hinggil sa kanilang sitwasyon.
“Parang ganu’n, but of course kinakausap kita (Tito Boy) kinakausap ko yung iba nating kaibigan. Kaya ang pinakamaganda nating ginawa ay ipaubaya doon sa dalawa,” aniya pa.
Matatandaang sa YouTube vlog ng news anchor at TV host na si Bernadette Sembrano ay natanong si Karla kung kumusta na si Daniel after ng breakup. Pero ayaw niyang magbigay ng anumang detalye hinggil dito.
Sey ni Karla, “Yung anak ko, pinag-usapan naman ng buong daigdig iyan, ano. And I always pray that he will be okay.
“But at the end of the day, yung question na kumusta yung anak ko, kumusta si Daniel, si Daniel lang ang tanging makakasagot nang buo nu’n.
“But ako, as a mother, I always pray for the best for my son, para sa mga anak ko, hindi lang kay Daniel. And I always pray na maging better sila,” saad pa ng aktres.
Dagdag niya, “Kasi kailangan mong magkamali para may matutunan ka at para mas maging maayos ka at mabuti kang tao after that.
“Nandito lang ako lagi sa likod ni DJ if ever tawagan niya ako at gusto niya akong makausap. It’s an exercise for my children na hindi dapat sila agad nakatanghod sa akin tuwing meron silang problema.
“Kasi ang tinuro ko sa mga anak ko, ‘Puwede tayo madapa, puwede tayo masaktan, and just learn from it. Matuto lang tayo diyan kasi hindi puwedeng tumigil ang buhay,” pagbabahagi pa ng nanay ni Daniel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.