Karla Estrada magbabalik sa pag-aaral: Nothing is too late | Bandera

Karla Estrada magbabalik sa pag-aaral: Nothing is too late

Therese Arceo - September 23, 2022 - 11:57 PM

Karla Estrada magbabalik sa pag-aaral: Nothing is too late
IBINANDERA ng TV host-actress na si Karla Estrada ang kanyang muling pagbabalik eskwela.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng ina ni Daniel Padilla ang kanyang mga larawan habang naglilibot sa loob at labas ng Philippine Christian University kung saan siya nag-enroll.

“And the journey begins,” saad ni Karla.

Pabirong dagdag pa niya, “Where’s the canteeeeen?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

Sa kabila ng kanyang edad na 47 ay hindi ito naging hadlang para kay Karla na abutin ang kanyang pangarap at muling balikan ang naudlot niyang pag-aaral noong bata pa.

Nauna naman nang ibahagi ni Karla ang kanyang desisyon na muling mag-aral sa isang Instagram reel na ipinost niya noong Setyembre 18.

Pagbabahagi niya, “Nothing is too late when you put your heart into it. Masaya po ako na ipagpatuloy ang aking pag-aaral through Expanded Tertiary Education, Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) of Philippine Christian University.”

Hindi rin daw sasayangin ni Karla ang pagkakataong ibinigay sa kanya na makamit ang college diploma na matagal nang inaasam.

Mensahe niya pa sa iba pang katulad niya na nangangarap ring makatapos, “Kaya sa mga gusto pang magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo at makakuha ng degree, hindi pa po huli ang lahat.

“Laban tayo para sa mas magandang kinabukasan!”

Umulan naman ng congratulatory messages ang comment section ng IG post ni Karla sa pagpasok nito sa bagong chapter ng kanyang buhay.

“All the best Ate,” saad ni Erik Santos.

Comment naman ni Karen Davila, “Awwww! Congrats dear!”

“Go! Go! Go! Sama ako sa canteen! Happy for you!” sey naman ni Nadia Montenegro.

Bukod kay Karla, ilan pa sa mga artistang nakatapos ng kanilang kolehiyo sa pamamagitan ng Expanded Tertiary Education, Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) ay sina Ruffa Gutierrez at Neri Miranda.

Related Chika:
Karla Estrada umalma sa post ng netizen, ipinagtanggol si VP Leni

Karla Estrada lumaki na raw ang ulo, hindi na nakakaalala sa mga tumulong sa kanya noon?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karla Estrada lumaki na raw ang ulo, hindi na nakakaalala sa mga tumulong sa kanya noon?

Karla Estrada muling nakasama sina Jolina at Melai, tuluyan nang mamamaalam sa ‘Magandang Buhay’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending