Karla Estrada lumaki na raw ang ulo, hindi na nakakaalala sa mga tumulong sa kanya noon? Bandera

Karla Estrada lumaki na raw ang ulo, hindi na nakakaalala sa mga tumulong sa kanya noon?

Therese Arceo |August 05,2022
share this

Karla Estrada lumaki na raw ang ulo, hindi na nakakaalala sa mga tumulong sa kanya noon?

Therese Arceo August 05, 2022 - 02:49 PM

Karla Estrada lumaki na raw ang ulo, hindi na nakakaalala sa mga tumulong sa kanya noon?

ISA sa mga napag-usapan sa YouTube vlog na “Showbiz Now Na” nina Cristy Fermin, Morly Alinio, at guest co-host nitong si Wendell Alvarez ang aktres at TV host na si Karla Estrada.

Ito ay matapos nilang maging topic ang mga artista na palagay nila’y “nalunod sa isang basong tubig” ng kasikatan.

Tahasang pinangalanan ni Morly ang ina ni DJ na si Karla bilang isa sa mga artistang ito.

Aniya, personal daw niyang kilala ang TV host-actress lalo na noong mga panahong walang-wala pa ito at hindi pa gaanong kasikatan.

“Ate Cristy, ‘yang si Karla, nangangarap talaga ‘yang maging artista, maging singer. Lahat ng reporters, kinakaibigan niya, maging sino. Pero nitong lumaki ang pangalan ng kaniyang anak na si Daniel Padilla, lumobo ang ulo niya,” pagbabahagi ni Morly.

Dito nga ay naikwento ni Nanay Cristy Fermin ang naging journey ng aktres noong pumasok sa showbiz lalo na noong maging parte ito ng “That’s Entertainment” ng yumaong si German Moreno.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

Pagbabahagi naman ni Wendell, hindi na raw naaalala ni Katla ang mga taong tumulong sa kanya noong nagsisimula pa lamang ito.

“Never ka niya maaalala Ate Cristy, lalo na kapag nagkita kayo, ‘Ay ikaw yung tv reporter na sumusulat sa akin…’ ‘Ikaw yung tv reporter na lagi kong nakakasama…’ Ngayon hindi na, nagpapaypay na lang ng pera,” chika pa ni Morly.

Dagdag ni Nay Cristy, “Samantalang dati kapag may mga shows tayo, umaangkas siya kahit na ₱2K, 3K ang talent fee… yung sumikat si Daniel, nahawa siya sa pagsikat, nabigyan ng opportunity, doon nagsimula ang kaniyang paglobo (ng ulo).”

Dagdag pa ni Morly, “Lalong-lalo na yung mga pinagkakautangan niya, yung mga panahong walang-wala siya… pinangungutang siya kahit hatinggabi o madaling-araw, wala na ‘yon… hindi na niya naaalala.

“One time, nakita nga niya yung isang pinagkakautangan niya… tiningnan lang, hindi man lang binati.”

Ngunit iba naman ito sa naikwento ni KaladKaren kung saan isa pa nga raw so Karla sa mga tumulong sa kanya sa pagtupad na magkaroon ng enggrandeng sofa sa kanyant condo unit.

Sa ngayon naman ay wala pang inilalabas na pahayag o komento si Karla ukol sa mga sinabi ng mga hosts ng “Showbiz Now Na” hosts.

Ilan pa sa mga celebrities na nabanggit nila ay sina Vice Ganda, Rosanna Roces, Coco Martin, Claudine Barretto, at Ynez Veneracion.

Bukas naman ang BANDERA hinggil sa pahayag ni Karla ukol sa sinabi sa kanya ng mga SNN hosts.

Related Chika:
Karla Estrada umalma sa post ng netizen, ipinagtanggol si VP Leni

Cristy Fermin umalma sa pag-alok ni Isko kay Joaquin para sa libreng booking: Hindi ko gusto ‘yun!

Karla Estrada muling nakasama sina Jolina at Melai, tuluyan nang mamamaalam sa ‘Magandang Buhay’

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending