Cristy Fermin umalma sa pag-alok ni Isko kay Joaquin para sa libreng booking: Hindi ko gusto ‘yun!
“HINDI ko gusto ‘yun! ‘Yung ginawa ni Mayor Isko Moreno na umakyat siya doon sa kanyang rally tapos may mga LGBTQ doon nagsigawan. (Sabi ni Isko), ‘bibigyan ko kayo ng booking, libre.’
“Hulaan mo sino ‘yung libreng booking, si Joaquin!” ang bungad ni Nanay Cristy Fermin sa “Showbiz Now Na” vlog nila nina Romel at Morly Alinio.
Ipinakita ang video ni Yorme Isko na binati niya ang mga miyembro ng LGBTQ na may streamer pa at sabay sabing, “Mamaya ireregalo ko sa inyo si Joaquin. Libre booking.”
Siyempre kinilig ang lahat lalo na ang mga sinabihang miyembro ang LGBTQ lalo na nang lumabas si Joaquin sa stage na kunwari’y lulundag sa maraming tao.
View this post on Instagram
Sabi pa ng batikang manunulat at online host, “Napanood ko ‘yung video. Nakita ko rin ‘yung translation. Kasi kami hindi namin siya (Isko) kabisado. Sinabi niya may libre raw na booking.
“Ang showbiz po, ito po ay isang hulmahan ng kilos ng isang artista, huwag na po tayong magmalinis, ‘wag na tayong mambato ng putik sa iba na parang tayo ay walang kadungis-dungis alam naman natin ‘yan, di ba?” sabi ni Nanay Cristy.
Say naman ni Romel, “Kung sinabi po niya ito para lang pasayahin ang mga LGBT nu’ng gabing iyon, pangit!”
Ito rin ang mga narinig namin sa ibang magulang, hindi raw magandang biro na isangkalan ang kanilang anak para lang makakuha ng boto.
Sabi rin ni Morly na meron ding anak, “Bilang isang magulang, hindi ko gagawin ‘yun. Puwedeng mangyari ‘yun ate Cristy na binooking ang anak mo na hindi mo sinabing magpa-booking ka sa sarili niyang kagustuhan na wala kang alam, di ba? Pero para ialok mo sa mga tao na libreng booking!?”
At dito ikinuwento ni Morly na malaking bahagi siya sa pagiging artista ni Mayor Isko sa tulong na rin ng patnugot ng Mariposa Publications ni ‘Nay Cristy na talagang ipinagmamakaawa ng una para ilabas ang kolum niya na ang Ama ng Maynila ang nilalaman nito.
Tsika ni Morly, “Ako bilang isa sa naging hagdan (pag-akyat ni Yorme) ay masaya ako sa kanyang kinalalagyan kasi hindi man niya pinapansin ‘yung nagawa ko na ako ang nagbukas ng kanyang kuwento sa tunay na kahirapan, at least hindi ako nabigo na maiangat siya.”
Nangilid ang mga luha sa mata ng co-host ni ‘Nay Cristy kaya biniro niya ito, “Hindi ako umiiyak ate Cristy, nagbabalik-tanaw lang ako.”
Maraming kuwento ang hindi pa alam ng tao noong nagsisimula pa lang si Mayor Isko na pilit na binabago ang kanyang imahe lalo’t tisoy ito kaya pinalutang na kunwari’y nag-aaral sa sikat na kolehiyo.
Pero hindi ito kinagat ng manunulat na si Morly dahil mas mamahalin daw ng tao kapag nagsabi ng katotohanan at mapapanood ito sa “Showbiz Now Na.”
May payo naman si Nanay Cristy kay Yorme, “Sana managalog na lang tutal masang Pilipino ang kanyang kinakausap. Pero ‘yung layo ng naabot, walang kuwestiyon.
“Kaya lang lagi sana niyang tatandaan, ang paglundag ay unti-unti. Ang pagpapalipad ng saranggola hindi muna matayog agad. Unti-unti ‘yan, level-level ‘yan hanggang sa maabot mo.
“Sana matuto siyang tumingin ng malapit lang, huwag malayo. ‘Yun ang inirereklamo ng mga dati niyang kasama na matayog nang masyado.
“Ganu’n talaga kapag hindi ka pa nakahanda sa tagumpay, eh. Hindi mo kakayanin mao-overwhelm ka, lalo na tulad ni Isko na salat sa pagkain na hindi naman siya nakakakumpleto sa pagkain sa maghapon,” ani Nay Cristy na ang binabanggit ay noong bago pa mag-showbiz si Yorme.
Hirit pa ni Morly, “Nakita ko talaga ang buhay niya walang sinumang reporter ang nakatunghay sa buhay ni Isko, ako ‘yun!”
“Basta Isko Moreno, siya (Morly) ang naka-assign,” sambit ni ‘Nay Cristy na ibig sabihin ay sinubaybayan ang naging buhay ng aktor at politiko.
Laking Tondo, Maynila rin kasi si Morly at magkalapit sila ng bahay ng kasalukuyang Ama ng Maynila na kumakandidato ngayon bilang presidente ng Pilipinas.
https://bandera.inquirer.net/290502/karen-kampi-kay-isko-sana-lang-wala-nang-ganitong-pang-iinsulto-porke-kalaban-sa-2022
https://bandera.inquirer.net/298339/wish-ni-dennis-sana-mapagsama-ko-lahat-ng-mga-anak-ko-sa-isang-litrato-kasama-ako
https://bandera.inquirer.net/307935/ellen-may-ipinakabit-sa-katawan-para-hindi-agad-mabuntis-ni-derek
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.