Karla proud kina Alden at Kathryn; happy na rin para kay Daniel

Karla Estrada proud kina Alden at Kathryn; happy na rin para kay Daniel

Ervin Santiago - December 01, 2024 - 11:38 AM

Karla Estrada proud kina Alden at Kathryn; happy na rin para kay Daniel

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Karla Estrada at Alden Richards

NAGPASABOG ng good vibes ang TV host-actress na si Karla Estrada nang magbigay siya ng pahayag  tungkol kina Kathryn Bernardo, Alden Richards at Daniel Padilla.

Ibinandera kasi ni Karla ang kanyang saloobin tungkol sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng pelikula ng KathDen na “Hello, Love, Again” na kumita na ng mahigit P1 billion sa takilya.

Umani ito ng mga positibong komento mula sa netizens, kabilang na ang mga KathDen fans at loyal supporters ng KathNiel. Pinuri nila si Karla sa paghahatid nito ng good vibes at pag-cancel sa hate culture.

Sey ng aktres, proud at masaya siya para sa ex-girlfriend ng kanyang anak na si Daniel dahil nga sa panibagong achievement nito sa kanyang showbiz career.

Baka Bet Mo: Regine Velasquez tinupad ang wish ni Karla Estrada: ‘Thank you idol! Love you!

Nakachikahan ng ilang members ng press si Karla sa presscon ng comeback series ni Daniel sa ABS-CBN, ang “Incognito” at isa nga sa natanong sa kanya kung ano ang reaksyon niya sa success ng “Hello, Love, Again.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)


“Of course, lahat tayo masaya. Lagi naman nating sinasabi na ‘yan, na kapag magkakasama tayo sa industriya dapat naghihilahan tayo pataas.

“Congratulations! I’m very happy. I’m very proud for Kathryn and Alden,” aniya pa.

Samantala, todo ang suporta ni Karla sa pagbabalik-teleserye ni DJ. Talagang um-attend pa siya ng presscon ng “Incognito” kamakalawa ng gabi na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Siyempre, super happy ang aktres na finally ay nakabalik na rin ang kanyang anak sa telebisyon.

“Yes, actually hindi lang ako ‘yung natuwa no, lalo na si Daniel, kasi naging handa siya at matagal na nating pinaghahandaan ang isang action na palabas,” sabi ni Karla

Aniya, happy and excited daw talaga si Daniel sa latest project niya lalo pa’t ang lalaki rin ng mga pangalan na kasama niya sa teleserye kabilang na riyan sina Ian Veneracion, Baron Geisler at Richard Gutierrez.

“Ito kasi all-out action, happy siya with Ian, Richard and of course si Baron Geisler. Marami kasi siyang natututunan pagdating sa action,” sey pa ni Karla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang “Incognito” ang unang bonggang pasabog ng ABS-CBN sa pagpasok ng 2025. Mapapanood ito sa lahat ng platforms ng Kapamilya Network.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending