Regine Velasquez tinupad ang wish ni Karla Estrada: 'Thank you idol! Love you! | Bandera

Regine Velasquez tinupad ang wish ni Karla Estrada: ‘Thank you idol! Love you!

Ervin Santiago |November 30,2022
facebook
share this

Regine Velasquez tinupad ang wish ni Karla Estrada: ‘Thank you idol! Love you!

Ervin Santiago - November 30, 2022 - 04:00 PM

Regine Velasquez tinupad ang wish ni Karla Estrada: 'Thank you idol! Love you!

Regine Velasquez at Karla Estrada

SA wakas, natupad na ang isa sa mga ultimate dream ng TV host-actress na si Karla Estrada na maka-duet ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Nangyari ito sa nakaraang birthday celebration ng partner ni Vice Ganda na si Ion Perez kung saan pareho nga silang invited ni Regine.

Sa kanyang Instagram account, tuwang-tuwa at proud na proud na ipinost ng nanay ni Daniel Padilla ang litrato at video nila ng nag-iisang Songbird habang kumakanta sa stage.

Sabi ni Karla, isang karangalan na makasama at maka-duet ang kanyang idol kaya naman forever daw niyang ite-treasure ang moment na yun.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)


“Kahit isang kanta lang! Karangalan at katuparan ng pangarap ko maka duet ang aking idol!

“@reginevalcasid Thank you idol! Love you,” ang caption na isinulat ni Karla sa kanyang IG post.

Ang pagsasamang yun nina Karla at Regine sa kaarawan ni Ion ay isang patunay na walang katotohanan ang mga kumalat na tsismis noon na meron silang hindi pagkakaunawaan.

Matatandaang si Regine ang ipinalit kay Karla bilang isa sa mga host ng morning talk show ng ABS-CBN na “Magandang Buhay.” Umalis ang TV host sa nasabing programa sa ngalan ng public service.

Samantala, present din sa birthday celebration ni Ion ang iba pang host ng “It’s Showtime” tulad nina Jhong Hilario at Amy Perez. Naroon din ang nanay ni Vice Ganda na si Rosario Viceral.

Karla Estrada magbabalik sa pag-aaral: Nothing is too late

Karla Estrada muling nakasama sina Jolina at Melai, tuluyan nang mamamaalam sa ‘Magandang Buhay’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karla Estrada sinorpresa si Daniel Padilla sa lock-in taping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending