Jhong Hilario pina-abogado ng tatay ni Maia noon, bakit kaya?
MASAYANG ibinahagi ng mag-partner na sina Jhong Hilario at Maia Azores ang kwento kung paano sila nagkakilala at nagkaibigan.
Sa kanilang panayam na uploaded sa vlog ng Kapamilya broadcaster na si Karen Davila, nausisa ang dalawa kung paano nagsimula ang kanilang love story.
Kuwento ni Maia, hindi talaga niya kilala noon si Jhong na member ng Streetboys lalo na’t hindi naman niya kapanahunan nang sumikat ang boy group.
Nagkakilala lamang daw sila nang magsimulang mag-OJT si Maia sa ABS-CBN.
Baka Bet Mo: Jhong Hilario divorced na sa British ex-wife Michelle Westgate
View this post on Instagram
Napunta kasi si Maia sa teleseryeng kinabibilangan noon ni Jhong na “Mara Clara”.
“I was always with my parents, I was so sheltered. Nilagay ako sa all-girl school. HIndi ako nakakalabas, hindi ako puma-party. Hindi ko naranasan ‘yung ganung experience. So that was the first time I was able to go out into the world, nung nag-OJT ako sa ABS-CBN,” lahat ni Maia.
Doon na nagsimula ang love story nila ni Jhong nang magkasama sila sa teleserye.
Pag-amin pa ni Maia, malayo ang age gap nilang dalawa na 16 years ang agwat kaya hindi naging madali ang kanilang relasyon.
“Kaya kinausap ako ng parents,” kuwento ni Jhong.
“Pina-lawyer pa ni dad yan,” dugtong pa ni Maia.
“As in surveillance ako,” chika pa ni Jhong.
Umabot pa nga raw sila sa puntong pinaghihiwalay sila ng tatay ni Maia.
Nagdesisyon pa nga ang ina ni Maia na mag-stay kasama niya habang nasa Manila para mabantayan ito kay Jhong.
Ngunit sa kabila nito ay mas napatunayan ng dalawa ang kanilang pagmamahal sa isa’t-isa.
Sa ngayon ay may isang anak na sina Jhong at Maia na si Sarina.
Kasalukuyan rin silang nakatira sa building na pagmamay-ari ng ama ng actor-politician na ibinandera rin nila sa vlog ni Karen Davila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.