Karla Estrada gustung-gustong 'makialam' sa problema ng iba

Karla Estrada gustung-gustong ‘makialam’ sa problema ng iba

Therese Arceo - November 12, 2024 - 06:34 PM

Karla Estrada gustung-gustong 'makialam' sa problema ng iba

AMINADO ang TV host-actress na si Karla Estrada na bet na bet niya ang “pangingialam” sa problema ng ibang tao.

Sa kanyang naging panayam kay Diamond Star Maricel Soriano, nausisa siya ng huli kung ano ba ang kanyang nga interes sa buhay.

Game na game namang inilahad ni Karla kung ano ang kanyang mga balak gawin ngayong wala na siya sa programang “Face To Face”.

“Ngayon, bumubuo naman ako na parang… gusto ko pa rin parang kawanggawa,” panimula ng ina ni Daniel Padilla.

Baka Bet Mo: Korina may kundisyon bago tinanggap ang Face to Face kapalit ni Karla Estrada?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ani Karla, ang nais sana niya ay isang show na parang public service ang atake.

“Iyan pa rin ang gusto ko talaga. Gusto kong makialam sa problema ng mga tao,” dagdag pa niya.

Matatandaang kamakailan lang nang magpaalam si Karla sa kanyang show sa TV5 na “Face To Face” kung saan mahigit isang taon rin siyang naging host.

Inanunsyo na rin mg Kapatid Network na ang papalit sa kanya bilang main host ng programa ay ang broad-cast journalist na si Korina Sanchez.

Matunog rin ngayon ang pangalan no Karla dahil sa usap-usap na ang dati nitong longtime partner na si Jam Ignacio ay ikakasal na sa bagong dyowa nitong si Jellie Aw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa latest post kasi nito ay makikita na ibinabandera ni Jellie ang kamay niyang may suot na engagement ring habang magkahalikan ang dalawa.

Unang lumabas ang tsikang hiwalay na sina Karla at Jam noong 2023 kung saan ang huling post ng dating “Magandang Buhay” host ay noon pang March 2023.

Hanggang ngayon ay wala pa ring pahayag ang ina ni DJ patungkol sa paghihiwalay nila ni Jam.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending