Ex-dyowa ni Karla Estrada ibinandera ang bagong girlfriend

Ex-dyowa ni Karla Estrada ibinandera ang bagong girlfriend

Therese Arceo - August 17, 2024 - 09:24 PM

Ex-dyowa ni Karla Estrada ibinandera ang bagong girlfriend

PROUD na ibinandera ng dating boyfriend ni Karla Estrada na si Jam Ignacio ang bagong nagpapasaya ng kanyang puso.

Sa kanyang latest Instagram post noong Biyernes, August 16, ipinost niya ang tila puzzle na larawan kung saan yakap nito ang isang babae na nakilalang si Jellie Aw.

Bagamat walang nakasaad sa caption ay mukhang ito na ang kumpirmasyon na hiwalay na sila ni Karla at mayroon na siyang bagong minamahal.

Si Jellie ay isang influencer at resident disc jockey base na rin sa Instagram bio nito nang bisitahin namin ang kanyang profile.

Baka Bet Mo: Karla Estrada nakiusap sa fans ni Daniel: NO bashing tayo please, NO HATE!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Hindi rin naman ito ang unang pagkakataon na nag-post si Jam ng larawan nila ni Jennie kaya noon pa man ay marami nang bulungan na talagang hiwalay na sina Jam at Karla na ilang taon ring nagsama.

Bukod sa may kasama nang ibang babae si Jam sa kanyang mga posts, hindi na rin siya makikita sa following list. ni Karla sa Instagram.

Hindi na rin naman pina-follow ni Jam ang TV host-actress.

Wala na rin sa account ni Jam ang mga larawan nila ni Karla pero meron pa ring larawan ang lalaki sa Facebook page ng dating Kapamilya host.

Wala pa namang direktang kumpirmasyon ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon.

Umang nakitang magkasama sina Karla at Jam sa ginanap na anniversary party ng District 8 restobar sa San Juan City noong August 2019.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending