Karla sa fans ni Daniel: NO bashing tayo please, NO HATE!

Karla nakiusap sa fans ni Daniel: NO bashing tayo please, NO HATE!

Ervin Santiago - July 11, 2024 - 12:10 AM

Karla nakiusap sa fans ni Daniel: NO bashing tayo please, NO HATE!

Karla Estrada at Daniel Padilla

NAKIUSAP ang TV host-actress na si Karla Estrada na tigilan na sana ng mga fans ni Daniel Padilla ang pakikipagbardagulan sa social media.

Ito’y sa gitna nga ng nagaganap na pag-aaway-away at kampihan ng mga netizens hinggil sa mga nangyayari ngayon sa personal life at showbiz career ni Daniel at ni Kathryn Bernardo.

Kahit matagal nang naghiwalay ang KathNiel ay isyu pa rin ito sa kanilang respective fans and supporters at hanggang ngayon ay apektado pa rin ang mga ito.

May mga nagkakapersonalan na nga sa mga nagsasagutan sa socmed ay kanya-kanya silang pagtatanggol kina Daniel at Kathryn at may iba pang mga personalidad na nadadamay.

Baka Bet Mo: Karla Estrada magbabalik sa pag-aaral: Nothing is too late

Kaya naman sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nagbigay na ng mensahe ang nanay ni DJ na si Karla sa lahat ng mga tagasuporta ng kanyang anak.

“Panawagan sa lahat ng mga supporters ni Daniel Padilla or DJP, pakiusap lang po… No bashing tayo please,” simulang pagbabahagi ni Karla.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Patuloy pa niya, “Hindi yan ang klase ng pamamaraan ng pagsuporta na gusto ng aming Pamilya para kay Daniel. We appreciate your support, but please, no bashing to others.

“Ipagmalaki Ang lahat ng Blessings ni DJP.

“Respeto para sa Blessings ng iba. Maging masaya tayo sa tagumpay ng bawat isa.

“NO TO HATE. NO TO BASHING.

“Salamat,” ang buong panawagan ni Karla sa mga loyal supporters ng kanyang anak.

Narito ang ilang reaksyon ng mga FB followers ng nanay ni Daniel sa kanyang pakiusap.

Baka Bet Mo: Karla handang-handa nang maging lola sa magiging anak nina Daniel at Kathryn; nilinaw ang chikang ikinasal na sa non-showbiz dyowa

“Karla Estrada  Sana ganito din ang side ng kabila pina alalahanan ang mga fans na huwag magsalita ng masama kaso parang masaya pa yata sila na inuulan ng masasamang salita si DJ.”

“May Liares hahaha hindi lang naman Kabila kahit kayu din c girl panga sinisisi ng mga fans nya kisyo daw malndi so sino mas apiktado  ung na stress na nga Tas sya pa ang Mali di Wow db.”

“May Liares sila panga yung team leader sa pag babash kay DJ,kung maka salita sila ky DJ akala nila walang ambag si dj sa career ng Anak.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)


“Mismo po  tita Karla Estrada Focus tayo sa pag suporta kay Daniel Padilla Original, at sigurado ko ang gusto ni DJ ay positve and peace, kaya dun tayo sa tahimik sa away, pero maingay sa pag suporta kay dj.”

“Ganyan dapat di yong sisiraan ung ex para sa idol hahaha eh wala naman tayong alam bat sila ng hiwalay.”

“Thank u tita K. mga bashers Jan manahimik na kau…. Pinapahamak nyo lng lalo c dj sa ginagawA nyo… Mahiya nman kau sa pamilya ni dj.”

“Buti na lng nareach out sa inyo. Tita Karla Estrada .. D kc nasiseen messages q eh….kalungkot lng mga nangyayari lalo lng Nila pinapahamak c dj sa ginagawA nila lahat Ng bash nila mas matindi Ang balik k dj..Sana man lng naiisip nila un.”

“Dpat ganito din gawin ng kabila..I call out nila mga fans nila na grabe mkapang bash Kay Dj…dahil dyan mas lumalim respeto ko sayo Ms.Karla…I hope the other side will do the same…for the peace of everyone…Tigilan na ang mga below the belt na banat…Let’s all celebrate the success of Dj.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sana lang huwag din ibash c Kathryn deserved nya lahat ng tagumpay sa new journey nya, buti at nakamove on na sya. makikitid kc mga utak, wala na bang ginagawa sa buhay yan mga bashers na yan? susuporta para magbigay ng negatibong kumento! Ang daming oras sa pagpuna ng tagumpay ng iba.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending