Daniel Padilla sa kapatid na ikakasal na: ‘Ganda smile JC, ah!’

Daniel Padilla sa kapatid na ikakasal na: ‘Ganda smile JC, ah!’

Pauline del Rosario - July 01, 2024 - 12:36 PM

Daniel Padilla sa kapatid na ikakasal na: ‘Ganda smile JC, ah!’

PHOTOS: Instagram/@supremo_dp, @niceprintphoto

MALAPIT nang ikasal ang kapatid ni Daniel Padilla na si JC sa non-showbiz girlfriend na si Nathalia Valdivia!

Ang kanilang engagement ay ibinandera sa publiko kasabay ng kanilang pre-nuptial photos na naka-post sa kani-kanilang Instagram pages.

Makikita sa mga litrato na ginawa sa dalawang lugar ang photoshoot –ang isa ay nasa isang indoor area, at ang isa naman ay tila parang isang rancho.

“Something inside the cards I know is right,” caption ni JC na mula sa lyrics ng “I Could Die For You” ng international rock band na Red Hot Chili Peppers.

Baka Bet Mo: Robin Padilla sa hiwalayang Kathryn, Daniel: Magkakabalikan ‘yun!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC F. Padilla (@sprakinheighten)

Kapareho ng post ni JC, makikita rin ito sa IG Story ni Nathalia at chinika na “10 years in the making” ang kanilang engagement.

Daniel Padilla sa kapatid na ikakasal na: ‘Ganda smile JC, ah!’

PHOTO: Instagram Story/@thalia.valdivia

Bukod pa riyan ay may IG post din siya mismo na ang caption ay, “Don’t mind if I do,” kalakip ang diamond ring emoji.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nathalia (@thalia.valdivia)

Sa comment section, agaw-pansin ang naging reaksyon ni Daniel sa couple, lalo na sa kanyang kapatid. 

Unang naglagay ang aktor ng smiling face with tear emoji at sumunod ay ang komentong: “Waaaaah sh*t [black heart emojis]”

At ang huli ay ang tila panunukso niya kay JC na ang sabi: “Danda shmayl (ganda smile) jc ahhhhh.”

Instagram / Nice Print Photos

PHOTOS: Screengrab from Instagram/@thalia.valdivia, @sprakinheighten

Hindi rin siyempre nagpahuli ang kanilang ina na si Karla Estrada na ibinandera rin ang magandang balita sa kanyang IG page.

Ibinunyag ng TV host-actress na gaganapin ngayong Hulyo ang kasal ng couple.

“Congratulations [ring emoji] Carlito & Nathalia—July 2024,” wika sa caption.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

 

Para sa mga hindi aware, si JC ay anak ni Karla sa bokalista ng Orient Pearl na si Naldy Padilla, ang pinsan ng ama ni Daniel na si Rommel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending