Daniel Padilla makiki-join sa ‘Pagkakaisa’ concert sa Davao
LILIPAD patungong Davao ang aktor na si Daniel Padilla sa susunod na buwan!
Isa kasi siya sa mga magsisilbing guests para sa “Pagkakaisa” concert na inorganisa ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.
Wala pang detalye kung ano ang gagawin ng aktor sa event, pero ang balita na ‘yan ay inanunsyo ng kanyang ina na si Karla Estrada.
Ibinandera ng TV host-actress ang isang poster na ini-release ng fan club ni Daniel na ipinapakita ang ilang impormasyon sa upcoming concert.
Caption pa ni Karla, “This is it! See you in Davao del Norte, June 7!”
Baka Bet Mo: KathNiel never na raw magbabalikan; Daniel bibida sa bonggang serye?
Para sa mga hindi aware, ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay isang flagship program ng Marcos administration.
Isa itong service caravan na layuning mag-provide ng major government services sa mahihirap na mga kababayan natin sa iba’t-ibang lugar ng bansa.
Samantala, sunod-sunod ang naging life update ni Daniel recently.
Kabilang na riyan ang pagbubukas ng bagong theme park sa Tanauan, Batangas na isa siya sa co-owner nito.
Pati na rin ang pagkakaroon niya ng makabuluhang kaarawan na kung saan nagsagawa siya ng pre-birthday party sa temporary shelter ng mga batang may cancer sa Center for Health Improvement and Life Development (CHILD Haus) sa Ermita, Manila.
Sa mismong special day naman niya ay nagtungo siya sa isang animal shelter sa Pampanga, kung saan nakasama niya ang maraming fans at ilang kaanak.
Base sa ulat ng ABS-CBN News, 90 dogs and 50 cats ang kabuuang bilang ang napasaya ni Daniel na kung saan ay pinaliguan pa nila ito at pinakain.
Marami pang naging sorpresa ang Kapamilya star dahil nagbigay din siya ng mga sako-sakong dog food at treats, at nagpagawa rin ng mga bubong at cages para sa mga pusa.
May dinala ring grupo ng mga veterinarian si DJ upang ipakapon ang ilang fur babies.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.