Karla kay Daniel: Kailangang magkamali para may matutunan ka

Karla kay Daniel: Kailangan mong magkamali para may matutunan ka

Ervin Santiago - May 15, 2024 - 12:05 AM

Karla kay Daniel: Kailangan mong magkamali para may matutunan ka

Karla Estrada, Daniel Padilla,Jose Carlito, Margaret at Carmella

HINDI kayang sagutin ni Karla Estrada ang tanong ng marami kung kumusta na ang kalagayan ngayon ng kanyang anak na si Daniel Padilla.

Palaging ipinagdarasal ng TV host at aktres si DJ sa gitna ng mga kontrobersiyang kinasangkutan nito, lalo na ang pangdudurog sa kanya ng mga bashers after ng breakup nila ni Kathryn Bernardo.

Baka Bet Mo: Karla handang-handa nang maging lola sa magiging anak nina Daniel at Kathryn; nilinaw ang chikang ikinasal na sa non-showbiz dyowa

“Yung anak ko, pinag-usapan naman ng buong daigdig iyan ano. And I always pray that he will be okay,” ang pahayag ni Karla sa panayam ni Bernadette Sembrano para sa kanyang YouTube channel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“But at the end of the day, yung question na kamusta yung anak ko, kamusta si Daniel, si Daniel lang ang tanging makakasagot ng buo nu’n,” ang dagdag ni Karla.

Pero bilang nanay, “I always pray for the best for my son, para sa mga anak ko, hindi lang kay Daniel, and I always pray na maging better sila.” May tatlo pang anak si Karla bukod kay DJ, sina Jose Carlito, Margaret at Carmella.

Sabi pa ng TV host, kailangang matuto ang kanyang anak sa mga pagkakamaling nagagawa nila at sa mga pagsubok na kanilang pinagdaraanan at pagdaraanan pa.

Baka Bet Mo: Regine Velasquez tinupad ang wish ni Karla Estrada: ‘Thank you idol! Love you!

“Kasi kailangan mong magkamali para may matutunan ka at para mas maging maayos ka at mabuti kang tao after that,” aniya.

Sabi pa ni Karla, bilang nanay, kahit anong mangyari ay lagi siyang nandiyan para sa mga anak, “Nandito lang ako lagi sa likod ni DJ if ever tawagan niya ko at gusto niya kong makausap.

“It’s an exercise for my children na hindi dapat sila agad nakatanghod sa akin tuwing meron silang problema.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kasi ang tinuro ko sa mga anak ko, puwede tayo madapa puwede tayo masaktan and just learn from it. Matuto lang tayo diyan kasi hindi puwedeng tumigil ang buhay,” sabi pa niya.

Binigyang-diin din ni Karla na walang perpektong tao at lahat tayo’y nagkakamali, “Magsisingkuwenta na ako ngayon, hindi pa rin perfect ang buhay ko. Araw-araw may pagkakamali pa rin tayo.”

Payo pa niya sa lahat ng mga nababagabag ang kalooban, “Bago ka matulog, magpatawad ka. Humingi ka ng tawad, magpatawad ka. Ipagdasal mo yung mga taong nagagalit sa iyo.

“Sa akin kapag sinabing, ‘Hindi naman totoo iyan, ba’t mo ipagdarasal?’ Minumura ka araw-araw sa social media, tinatawag ka nang anu-ano, pati mga anak mo nasasali, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ko na problema yun,” ang sey pa ni Karla Estrada.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending