KathNiel never nang magbabalikan; Daniel bibida sa bagong serye

KathNiel never na raw magbabalikan; Daniel bibida sa bonggang serye?

Ervin Santiago - May 13, 2024 - 11:15 AM

KathNiel never na raw magbabalikan; Daniel bibida sa bonggang serye?

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

WALA nang balikang mangyayari sa pagitan ng dating magkarelasyon na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Iyan ang siniguro ng isang source nang diretsahan naming matanong kung posible pa bang magkaroon ng second chance ang love story ng KathNiel.

In fairness, marami pa rin ang umaasa na mabibigyan ng part 2 ang nawasak na relasyon nina Kath at DJ dahil feeling nila sila ang talagang itinadhana.

Tulad na nga lang ng tatay ni Daniel na si Rommel Padilla na nagsabing sana raw ay magkabalikan ang kanyang anak at si Kathryn at isa raw yan sa mga ipinagdarasal niya.

Baka Bet Mo: Ice Seguerra, Liza Dino 10 years nang magkarelasyon: Hindi tayo perfect, pero palagi natin pinipili ang isa’t isa

“Talagang nangyayari ‘yan, e. Dumarating ‘yung puntong nagkakasubukan. Pero para sa akin, ako, I still pray na sana dumating ‘yong panahon na magkita sila ulit,” sey ni Rommel.

“Magkaunawaan dahil napakalaking panahon ‘yong nilaan nila sa pagmamahalan nila. Pinagdadasal ko, sana manumbalik pa ang kanilang pagmamahalan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Habang sila mga single, sana magmuni-muni talaga sila. O timbangin nila ‘yong kanilang naging pagmamahalan sa kasalukuyan. Dapat bang mag-stay, dapat ba tayong magbalikan. I guess, ito ‘yung time na ‘yun, e,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Diretsahang tanong ni Korina kay Karen: Bakit sa palagay mo, pinag-aaway tayo?

Ngunit sabi nga ng ating source, feeling niya, wala nang chance na magkaroon ng reconciliation ang KathNiel dahil super naka-move on na rim daw ang binata sa breakup nila ni Kath.

“Hindi na. Wala na yun. Saka parang wala muna sa isip niya ngayon ang makipagrelasyon after nilang maghiwalay (ni Kathryn). Mas gusto niyang magpaka-busy.

“Pinaplano na yung bago niyang album, then sunod yung kanyang concert. At sa pagkakaalam ko, pagkatapos niyang pagtuunan yung career niya sa music, saka siya gagawa ng teleserye,” sabi ng aming kausap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero tumanggi siyang sabihin kung sinu-sino ang makakasama ni DJ sa nasabing project, “Sa pagkakaalam ko, wala siyang magiging leading lady.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending