Jennylyn kay Dennis: Walang balikang nangyari, promise! | Bandera

Jennylyn kay Dennis: Walang balikang nangyari, promise!

Reggee Bonoan - May 11, 2015 - 02:00 AM

jennylyn mercado

PAALIS na kami sa presscon ng Tindahan ni Aling Puring na magkakaroon ng Sari-Sari Store Convention sa May 20-24 sa World Trade Center, Pasay, nang masalubong namin si Mother Lily Monteverde sa kanyang Valencia gardens kung saan ginanap ang event ng Puregold.

Nabanggit niya kay katotong Jobert Sucaldito na nasa main house nila sina Sam Milby at Jennylyn Mercado. Kaagad kaming niyaya ni Jobert na pumunta roon pero hindi kami kaagad nakasunod dahil kausap pa namin ang publicist ng Puregold na si Chuck Gomez.

Pagdating namin sa bahay ni Mother ay nakita namin roon sina Sam at Jennylyn kasama ang Regal producer na si Roselle Monteverde-Teo, supervising producer na si direk Manny Valera, Rose Conde, Direk Jun Lana, manager ng aktor na si Erickson Raymundo at handler nitong si Lulu Romero at manager ni Jen na si Katrina Aguila.

Nagulat si Ms. Roselle nu’ng dumating kami kasi nga naman lihim ang nasabing meeting pero naibalita na nga ng mommy niya sa amin.Anyway, may pelikulang gagawin sina Sam at Jennylyn na may working title na “Pre-Nup” na isu-shoot sa New York, USA ngayong Hunyo na ididirek ni Jun Lana.

Sabi ni Jennylyn, matagal na niyang kakilala si Sam dahil ipinakilala siya rito ng ex-boyfriend niyang si Luis Manzano.Biniro namin ang hot mama kay Sam, sinabi naming pareho silang single nito, “Weh, di nga, wala siyang girlfriend?”

Na sinagot namin ng oo, sa katunayan, ang huling girlfriend ng binata ay si Anne Curtis pa at kung hindi kami nagkakamali ay apat na taon na ang nakararaan nang mag-break sila.

“Ahh, ok,” ang tanging nisagot ng aktres sa amin.Anyway, tinanong namin kung ano na ba talaga ang real score sa kanila ni Dennis Trillo, kumalat kasi na nagkasama sila kamakailan sa Balesin Island, “Two years na nga akong walang boyfriend, ‘te Reggs.

Wala, puro lang ako work, concentrated ako ngayon sa work para sa anak ko, sa family ko,” say ng aktres. “Okay kami (Dennis) now, were friends,” kaswal na sagot ni Jennylyn.

Walang balikang nangyari? “Ay wala, as in! Trying to be friends, trying to be okay, pero wala,” mabilis ding sagot.

Nang tuksuhin at inguso naman namin si Jennylyn Mercado kay Sam Milby ay napangiti ang aktor at niyakap kami sabay kumusta sa amin at iniba ang topic. Sabi lang ni Sam, “I’m excited to do a movie with her (Jennylyn).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nu’ng Mayo 6 dumating si Sam galing ng Amerika at kinailangan niyang umuwi na ng Pilipinas dahil sa project niya sa Regal, at sa bago niyang teleserye na hindi naman binanggit pa.

Inalam namin ang nangyari sa kanya sa Amerika kung saan siya nag-workshop at nag-audition, base na rin sa sinabi niya sa interview niya kamakailan ng dumalo siya sa red carpet ng Asian Film Festival. “Hmmmm, okay naman,” tipid na sa sabi ni Sam.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending