Slide sa bagong bahay ni Kathryn Bernardo, kinaaliwan ng netizens

Slide sa bagong bahay ni Kathryn Bernardo, kinaaliwan ng netizens

Therese Arceo |April 13,2024
facebook
share this

Slide sa bagong bahay ni Kathryn Bernardo, kinaaliwan ng netizens

Therese Arceo - April 13, 2024 - 11:07 PM

Slide sa bagong bahay ni Kathryn Bernardo, kinaaliwan ng netizens

Kathryn Bernardo

BET na bet ng mga netizens ang slide at elevator sa bagong gawang bahay ng Kapamilya star na si Kathryn Bernardo.

Marami ang naglabasang video ngayon sa social media na kuha mula sa nagdaan housewarming party ng Kapamilya actress na dinaluhan ng mga artista at mga kilalang personalidad.

Bukod sa mga hinahangaang artista, ang talagang kinaaliwan ng mga netizens ay ang slide sa tabi ng hagdanan ng bagong bahay ni Kathryn at ang napakaganda nitong elevator.

Sa katunayan, viral na nga ang Instagram story ng kaibigan nitong si Trina Guytingco kung saan makikita ang aktres na ine-enjoy ang pagsakay sa slide.

Baka Bet Mo: Alden, Kathryn level-up na ang relasyon; netizens awang-awa kay Daniel

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“The coolest in-house slide ever,” sey ni Trina sa post.

Umani naman ito ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang pagkakaroon ng slide ni Kathryn sa kanilang bahay.

“Ang saya saya na ni Kath ngayon.. nakakatuwa naman.. at mas masaya Kasi kasama nya Yung mga taong Mahal nya at dumagdag pa si Alden na lately ISA din sa nagpapasaya ky Kath. ‘What you see is what you get’. they’re happy!!! Period,” komento ng isang netizen.

Sabi naman ng isa, “Sana all may slide sa bahay. Instant playground anytime malungkot sa buhay.”

“Pangarap ko rin na magkaroon ng slide sa bahay. Ang cute pala talaga niya. Congrats, Kathryn! Ganda ng bahay mo,” sey naman ng isa.

Marami rin ang natuwa dahil muli na namang silang nagkasama ni Alden Richards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lately ay nagiging matunog ang pangalan ng dalawa matapos silang makitang madalas na magkasama.

Unang nagkasama sina Alden at Kathryn sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye” noong 2019 na hinirang bilang highest grossing Philippine film of all time bago ngunit napalitan na ito ng “Rewind” nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na ipinalabas nitong December 2023.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending