Yassi nag-birthday kasama ang mga aso't pusa: My heart is so, so full! | Bandera

Yassi nag-birthday kasama ang mga aso’t pusa: My heart is so, so full!

Ervin Santiago |May 11,2021
facebook
share this

Yassi nag-birthday kasama ang mga aso’t pusa: My heart is so, so full!

Ervin Santiago - May 11, 2021 - 02:05 PM

NAGING mas makabuluhan ang birthday celebration ngayong taon ng Kapamilya actress-dancer na si Yassi Pressman.

Ngayong araw, May 11, ang eksaktong kaarawan ng dalaga at para mas maging meaningful ang kanyang 26th birthday ay nag-celebrate siya in advance sa pamamagitan ng pagbisita sa isang  animal shelter sa Bulacan.

Ibinahagi ng dating leading lady ni Coco Martin sa “Ang Probinsyano” sa kanyang Instagram page ang mga naging kaganapan sa pakikipag-party ng Team Yassi sa mga aso at pusang na-rescue sa iba’t ibang lugar.

Sa mga litratong ipinost ni Yassi sa IG, makikita ang pagbibigay nila ng iba’t ibang supplies sa headquarters ng animal rescue group na Pawssion Project na matatagpuan sa San Jose del Monte, Bulacan.

Ka-join ng aktres sa charity event na ito ang sister niyang si Issa Pressman pati na ang kanilang mga kaibigan na nagmula pa sa iba’t ibang lugar, partikular na sa Tagaytay.

Nag-donate sina Yassi ng dog food, vitamins at mga bath items para sa mahigit na 200 aso at 100 pusa na nasa Pawssion Project.

“One day before my b-day and my heart is so so full. Thank you for today,” ang bahagi ng caption ni Yassi sa kanyang IG post.

Kitang-kita sa mga litrato na ipinost ni Yassi kung paano nila in-enjoy ang pakikipag-party at pakikipaglaro sa mga dogs and cats sa binisita nilang animal shelter.

Isa ang Kapamilya at Viva star sa mga local celebrities na masasabing certified animal lover dahil bukod sa tatlong pet dogs niyang sina Rolee, Riri at Raven, ay may dalawa rin siyang alagang ahas — sina Fluffy at Sky.

Ang pagmamahal ni Yassi sa mga hayop ang siya ring naging daan para gumawa rin siya ng dog accessories line with her sister Issa, ang Presidential Paws, na ni-launch nila last December sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa magkapatid, iniaalay din nila ang business venture na ito sa kanilang late father na si Ronnie Pressman, na sumakabilang-buhay noong February, 2020.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending