Karla Estrada biglang active sa TikTok, may pinatatamaan ba?

Karla Estrada biglang active sa TikTok, may pinatatamaan ba?

Therese Arceo - February 13, 2025 - 06:20 PM

Karla Estrada biglang active sa TikTok, may pinatatamaan ba?

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang pagiging active umano sa TikTok ng TV host-actress na si Karla Estrada.

Marami sa mga netizens ang nakapansin na panay ang post nito lately sa naturang social media platform kaya naman curious ang mga ito kung nagkataon nga lang ba na marami itong time ngayong araw.

Kahapon kasi ay talagang nag-trending ang ex-dyowa ni Karla na si Jam Ignacio matapos ang pambubugbog nito sa kanyang fiancée na si Jellie Aw.

Kaya naman marami ang nag-aabang sa magiging pahayag at social media posts ng ina ni Daniel Padilla dahil sa nangyari.

Baka Bet Mo: Karla Estrada iniligtas, swerteng nakawala sa ex-dyowang si Jam Ignacio

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa TikTok ay nag-post si Karla ng isang video kung saan sinasabi niyang “good” ang kanyang araw.

Blooming na blooming naman ito sa napili niyang effects habang nili-lipsync ang nasa video.

“Yeah, I think it was good,” pag-lipsync ni Karla na makikitang maganda rin ang pagkakangiti.

Marami sa mga netizens ang nag-comment at naaliw sa update niya.

“Karma is real talaga no? Imagine, Ms. Karla did not even lift a finger. Hay,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “‘Yung natanggal na yung hindi maganda ang dulot sa buhay mo kaya always good day.”

“Ganda, mabait, matulungin, mapgbigay. Yan ang momshie Karla ko,” sey naman ng isa.

Giit naman ng isa, “Hindi niya deserve mabugbog pero kasi grabe ang pang-aatake niya sa ‘yo non. Ayan tuloy.”

Sa kabila ng mga opinyon ng netizens ay nananatiling tikom ang bibig ni Karla hinggil sa isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang bago pa ang insidenteng pambubugbog ay kapansin-pansin na ang umano’y pagpaparinig at pagpe-flex ni Jellie ng relasyon niya kay Jam.

Sa mabilis na panahon nga’y na-engage ang dalawa.

Kaya paniniwala ng netizens, iniligtas raw ng universe si Karla mula sa mapang-abusong karelasyon at swerteng nahiwalay sa dating partner.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending