Karla Estrada nagbanta, ‘famewhore’ kakasuhan: Cyber libel here we go!
MAY pagbabanta ang latest social media post ng TV host-actress na si Karla Estrada patungkol sa isang tinawag niyang “fame whore.”
Kanya-kanyang hula ang mga netizen kung para kanino ang tila warning ni Karla sa isang tao na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account.
Ang nakasaad sa FB status ni Karla, “Fame whore, Low life people. I don’t have Time for this, But my lawyers has.”
“Cyber libel here we go,” ang dagdag pang mensahe ng nanay ni Daniel Padilla.
Walang binanggit na pangalan ang aktres kung sino ang kanyang pinatutungkulan sa kanyang Facebook post na deleted na ngayon pero kumalat na ang screenshots nito sa social media.
Baka Bet Mo: Karla boldyak sa fiancée ng ex-BF: Nanahimik ako! Wag mo damay work ko!
Ang tanong ng mga netizens, ito nga kaya ang sagot ni Karla sa Instagram story ng fiancée ng dati niyang boyfriend na si Jam Ignacio?
Diretsahang binanggit ng dyowa ni Jam na si Jellie Aw ang pangalan ni Karla sa kanyang post na nagpapahiwatig na may ginawa umano ang aktres na nagkaroon ng epekto sa kanyang work.
Mababasa sa IG story ni Jellie, “Karla estrada nanahimik ako! wag mo damay work ko [emoji] nanahimik ako mommy (emoji).” Wala nang ibang detalyeng ibinigay si Jellie hinggil sa kanyang hugot post.
Matatandaang noong November 11, 2024 ay ibinandera ni Jam sa social media ang mga litrato nila ni Jellie na kuha sa kanyang birthday celebration.
Dito, isinabay na rin ng dating partner ni Karla ang kanyang wedding proposal kay Jellie.
August, 2024 naman nang unang isinapubliko ni Jam na may bago na siyang partner pagkatapos ng hiwalayan nila ni Karla noong 2023.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang aktres at TV host tungkol sa dahilan ng break-up nila ni Jam.
Habang isinusulat namin ang artikulong ito ay wala pang diretsahang pahayag si Karla tungkol sa IG story ni Jellie. Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ng lahat ng taong involved sa isyung ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.