Yassi Pressman may bagong 'mystery guy'; Nadine Lustre pumayag maglaro sa 'Rolling In It PH' season 2 | Bandera

Yassi Pressman may bagong ‘mystery guy’; Nadine Lustre pumayag maglaro sa ‘Rolling In It PH’ season 2

Ervin Santiago |May 26,2022
facebook
share this

Yassi Pressman may bagong ‘mystery guy’; Nadine Lustre pumayag maglaro sa ‘Rolling In It PH’ season 2

Ervin Santiago - May 26, 2022 - 08:00 AM

Yassi Pressman, Coco Martin, Susan Roces at Nadine Lustre

“SIGURO…” ang pabiting sagot ng aktres at game show host na si Yassi Pressman nang tanungin kung may bagong boyfriend na siya ngayon.

Ayaw munang magdetalye ng aktres tungkol sa kanyang personal life pero mukhang may lalaking nagpapasaya na sa kanya base na rin sa mga pahaging na sagot niya sa press.

Sa naganap na mediacon at press edition para sa second season ng game show na “Rolling In It Philippines” sa TV5, na-curious ang lahat sa paandar na hugot line ni Yassi.

Habang nagho-host kasi si Yassi para sa “Rolling In It Press Edition” kanina kung saan naglaro ang piling miyembro ng entertainment press, may binitiwang mga salita ang dalaga.

“Mahirap talagang maiwang mag-isa pero madali namang maka-recover,” ang dialogue ni Yassi.

Kaya naman sa question and answer segment ng event ay tinanong ang dating leading lady ni Coco Martin sa “Ang Probinsyano” kung saan nanggagaling ang kanyang pamatay na hugot line.

“Maraming beses naman po noon na naiiwan po ako, eh. Kaya okay lang naman po. Ha-hahaha! Dire-diretso lang. Pero also, marami rin po kaming sinasabi dito na just for laughs, just for fun, alam n’yo po ‘yun?

“Saka para po ‘yung mga audience natin, maka-relate po ‘yung iba kasi ‘yun ‘yung lagi po nilang sinasabi sa mga episodes po namin. ‘Ay, naka-relate ako rito, ay, naka-relate ako diyan.

“That’s one of the lessons din po na I learned. ‘Yung siguro, try to be a little bit more funny, kasi sobrang corny ko po talaga, ganyan,” pahayag ni Yassi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)


Ngunit agad namang nilinaw ng game show host  na wala siyang  partikular na taong tinutukoy sa kanyang hugot line, “Wala naman in particular, marami lang. Ha-hahaha!”

Sundot na tanong sa kanya kung sa love life department ba ito? “Ay hindi naman po, hindi naman love life department. Pero nu’ng bata po ako nangyari na po ‘yun sa akin, alam n’yo na po ‘yun.”

Ang unang naisip namin sa mga naging pahayag ni Yassi ay ang ex-boyfriend niyang si Sef Cadayona. Pero diretsahang sinabi ng aktres na “super happy” ang estado ng puso niya ngayon.

At sa tanong kung may special someone na siya ngayon, ang tanging sagot lamang niya ay, “Siguro. Yung clue po, sa next season na lang ng Rolling It In! Ha-hahahaha!”

Samantala, nagbigay din ng mensahe si Yassi tungkol sa pagpanaw ng movie queen na si Susan Roces na naging nanay-nanayan din niya sa “FPJ’s Ang Probinsiyano.”

“After ko pong mag-visit kahapon (sa wake), siguro I was able to let her know how I feel. It was very emotional for me yesterday din po.

“Siguro kaya rin po wala akong boses kasi hindi rin ako masyadong nakatulog kasi syempre, the last time I was there was for my Dad,” pahayag ni Yassi.

Kagagaling lang daw niya sa Bacolod para dumalo sa isang wedding nang mabalitaan niya ang tungkol sa pagpanaw ni Susan Roces. Last month lang daw ay nag-message pa siya sa veteran actress pero ang nag-reply sa kanya ay ang apo nito at anak ni Sen. Grace Poe na si Bryan Llamanzares.

“Sabi naman ni Bryan, she’s okay. So hindi na po ako nagtanong. But I just couldn’t believe that that happened,” sabi ni Yassi.

* * *

Magbabalik na sa TV5 ang pinaka-exciting na arcade game show ng bansa, ang “Rolling In It Philippines”, para sa bagong season nito na puno ng family-friendly action at high-rolling stakes.

Muling ibabahagi ng multi-talented star na si Yassi Pressman ang kanyang hosting prowess sa bagong season ng programa, kung saan mapapanood sina Nadine Lustre, YouTube sensation Chad Kinis, at theater star Jerald Napoles sa pilot episode nito. Maliban sa showbiz stars, mapapanood din sa brand new season ang mga sports personalities, comedians, at iba pa.

Tulad ng nakaraang season, ang mga regular contestants ay magkakaroon ng pagkakataon na maglaro kasama ang kani-kanilang mga celebrity partners, kung saan masusubukang ang kanilang teamwork, diskarte at suwerte sa pag kolekta ng points para maiuwi ang P2 million.

Sa pamamagitan ng paggulong ng Power Coin sa slots ng giant arcade, maaaring pumili ang players ng PLAY para masiguro ang panalo, o PASS para mabigay ang tanong sa susunod na team na lalahok.

Ang unang season ng “Rolling In It Philippines” ay nag premiere noong June, 2021, kung saan nakita ng mga viewers ang offscreen at playful side ng mga celebrities at multifaceted talents na nagpasaya sa bawat Sabado ng mga pamilyang Filipino.

Pagulungin muli ang suwerte kasama ang “Rolling In It Philippines Season 2”, ngayong May 28 na, 7:30 p.m. sa TV5. Mapapanood ang catch-up episodes sa Cignal TV CH. 3 at SatLite CH. 30. Maaari ring mag download ng Cignal Play App para mapanood ito Live at On-demand para sa Android at iOS users.

https://bandera.inquirer.net/284888/yassi-bagong-game-show-ng-tv5-ang-kapalit-ng-pag-alis-sa-probinsyano

https://bandera.inquirer.net/284978/yassi-huhusgahan-na-bilang-game-show-host-pahinga-muna-sa-aktingan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/289479/yassi-ipinatatayo-na-ang-dream-house-dimples-ibinandera-ang-kaseksihan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending