Anne Curtis, Vice Ganda nagkaroon ng matinding away nang dahil lang sa tumapon na watermelon shake
KNOWS n’yo ba na nagkaroon na rin pala ng matinding away ang mag-BFF at “It’s Showtime” hosts na sina Anne Curtis at Vice Ganda?
Chika ni Anne, nakakaloka nga raw ang nangyari sa kanila ni Vice dahil napakaliit na bagay lang ang naging dahilan ng kanilang tampuhan at samaan ng loob.
Sey ng Kapamilya TV host-actress, totoong parang tunay na magsisteraka na ang turingan nila ng Phenomenal Box-office Star kaya tulad ng magkapatid, nagkaroon din sila ng grabeng away.
View this post on Instagram
Si Anne ang special guest sa Kapuso afternoon program na “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan nga siya natanong kung may pagkakataon ba na nag-away sila ni Vice dahil sa kanilang pagbibiruan.
“May mga pagkakataon ba na nagkakapikunan kayo? May mga panahon ba na that you guys feel you’re going boundaries of friendship sa inyong mga biruan?” ang tanong ni Tito Boy kay Anne.
Baka Bet Mo: Pia nagkaroon ng mental health problem nang manalo sa Miss Universe: The worry was louder than the cheers
Inamin ni Anne na ang pinakamatinding away nila ng kaibigan ay dahil lamang sa watermelon shake.
“Opo, nangyari na po sa amin po ni Vice. Pero nakakatawa po kasi ‘yung dahilan. Dahil lang sa isang watermelon shake,” natatawang chika ni Anne.
View this post on Instagram
Aniya pa, “Talagang ‘yung relationship namin alam mo ‘yung away-magkapatid, dahil lang natapon ‘yung watermelon shake?
“Tapos doon lang ‘yun nag-start, na parang, ‘E, tinapon mo ‘yung watermelon shake,’ tapos sabi ko, ‘Watermelon shake…okay sorry.’
“Tapos ‘yun na, lumaki nang lumaki. Pero ayun nagkabati rin kami after one or two days,” pagbabahagi pa ni Anne.
Dugtong pa ng wifey ni Erwan Heussaff, “But anything beyond that, wala pa kaming away na grabe, ‘yung mga petty lang that’s the first and last disagreement.”
Naging madali na ang pagge-guest ni Anne sa “Fast Talk with Boy Abunda” dahil sa bonggang collaboration ng GMA 7 at ABS-CBN. Napapanood na rin kasi ang “It’s Showtime” sa GTV Channel na pag-aari ng Kapuso Network.
Bea umamin: Takot na takot akong mag-30, parang iniisip ko, ‘Ano nang next na gagawin ko?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.