Anne Curtis naiyak dahil sa Mini Miss U contestant: It was so innocent and pure | Bandera

Anne Curtis naiyak dahil sa Mini Miss U contestant: It was so innocent and pure

Therese Arceo - July 04, 2023 - 08:18 PM

Anne Curtis naiyak dahil sa Mini Miss U contestant: It was so innocent and pure

HINDI napigilan ng TV host-actress na si Anne Curtis ang mapaiyak habang nagho-host sa bagong segment ng “It’s Showtime” na Mini Miss U.

Nagkaroon kasi ng impromptu aktingan sina Vice Ganda at Annika Co, seven-year-old contestant ng naturang segment na nauna nang pinahanga ang mga netizens sa kanyang talento sa pagkanta.

Ang eksena nga ay mag-best friends sina Vice at Annika at dapat ay magkakaroon ng duet performance sa stage ngunit sa last minute ay gustong mag-back out ni Vice dahil sa anxiety. Si Anne naman ay nasa gilid nila habang uma-acting.

Bukod kay Anne ay talagang napahanga ng batang contestant ang buong madlang pipol sa paraan nito kung paano aluhin ang karakter ni Vice at pag-encourage nito sa kaibigan para malabanan ang takot na mag-perform.

Sa kabila ng mga pasimpleng pagpapatawa ni Vice sa kalagitnaan ng kanilang skit ay makikitang seryoso si Annika.

“Who cares if the others don’t like you? I like you and everybody else does. What matters is somebody still likes you,” sey ni Annika na siyang nagpaantig sa puso ni Anne at ng madlang people.

Baka Bet Mo: Anne Curtis kinantahan si Baby Rosie, sey ni Luis Manzano: ‘First time ko nakita naguluhan anak ko!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“If some people don’t like you, then it’s fine. What’s important is someone still likes you… You shouldn’t be worrying about if you’ll be the best in the world. You have to be the best version of yourself,” dagdag pa niya nang sabihin ni Vice na nangangamba siya na baka hindi siya magustuhan ng mga tao kapag nag-perform ito.

Makikita ang teary-eyed na si Anne habang nanood at damang-dama ang eksena ng dalawa na nagtapos sa pagyakap ni Annika kay Vice pagkatapos ay sabay silang naglakad sa stage para kumanta.

Matapos ang skit nila ay napansin ni Vice na umiiyak ang kanyang sisteret kaya tinanong niya ito.

“Naiyak ako kasi it was so pure na parang if everyone could be as kind as this child, wala nang hatred sa mundo. It was so innocent and pure. So beautiful,” sagot ni Anne.

Eventually ay nagwagi si Annika sa patimpalak laban sa dalawa pa niyang kalaban sa kompetisyon.

Maging sa Twitter ay ibinahagi ni Anne ang video clip ng eksena nina Annika at Vice Ganda.

“What a genuinely kind and pure soul. Bless her heart,” saad ni Anne.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagpapatuloy niya, “Kudos to her parents for instilling such beautiful values. Imagine if we were all like this. No hatred or harmful words would exist.”

Related Chika:
Anne Curtis, Kim Chiu inaming ‘nagmakaawa’ noon dahil sa pag-ibig: ‘Hindi mo iniisip kasi mahal mo’

Anne Curtis nagbago ang lifestyle nang magkaasawa’t anak, mas naging wais sa paghawak ng pera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending