Anne Curtis, Kim Chiu inaming 'nagmakaawa' noon dahil sa pag-ibig: 'Hindi mo iniisip kasi mahal mo' Bandera

Anne Curtis, Kim Chiu inaming ‘nagmakaawa’ noon dahil sa pag-ibig: ‘Hindi mo iniisip kasi mahal mo’

Therese Arceo |November 24,2022
share this

Anne Curtis, Kim Chiu inaming ‘nagmakaawa’ noon dahil sa pag-ibig: ‘Hindi mo iniisip kasi mahal mo’

Therese Arceo - November 24, 2022 - 02:20 PM

Anne Curtis, Kim Chiu inaming 'nagmakaawa' noon dahil sa pag-ibig: 'Hindi mo iniisip kasi mahal mo'

MASKI ang mga magagandang mukha sa industriya na sina Anne Curtis at Kim Chiu ay naranasan ring isantabi ang pride sa ngalan ng pag-ibig.

Sa isang episode ng “It’s Showtime” nitong Martes, November 22, kung saan nagho-host sila ng segment na “Tawag Ng Tanghalan” ay napag-usapan ang kanilang mga karanasan sa love.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Ito ay nagsimula dahil sa lyrics mula sa kantang “Beggin'” na “I’m begging you” na kinanta ng mga contenders.

Natanong nga ni Vice Ganda ang kanyang co-host at sisteret na si Anne kung sa totoong buhay ba ay naranasan niyang magmakaawa dahil sa pagmamahal lalo na’t isa siya sa mga magagandang mukha sa showbiz.

“Kasi siyempre may mga taong nangyayari sa kanila iyan ngayon tapos iniisip nila, ‘Ano ba itong nangyayari sa akin? Tama ba to? Mukha na ba akong tanga?'” lahad ni Vice.

Sagot naman ni Anne, “Totoo naman, yes, nangyayari talaga iyon. Oo, nangyari naman siya [sa akin], but I think yun lang din yung maganda.”

Pagpapatuloy pa niya, “Because I think that is what makes you realize na saturation point na siguro iyon na makakahanap ka, na hindi ka na aabot sa ganoong klaseng puwesto na you’re begging.”

Kuwento pa ni Anne, noong dumating raw ang point na hindi na niya alintana ang kanyang pride.

“Wala, wala, hindi mo iniisip yun, e. Durog yung pride. Hindi mo iniisip kasi mahal mo yung tao,” sey ng nag-iisang dyosa.

Chika pa ni Anne, kahit na ano pang estado mo, mapa “dyosa” o mapa-artista ka man ay walang itong bearing dahil sa pag-ibig.

Maski si Kim nga ay natanong ni Vice kung naranasan rin niya ang magmakaawa sa tao sa ngalan ng pag-ibig.

“Opo. Siguro lahat tayo pagdadaanan iyon kasi hindi [tayo] mabubuo. Totoo. Lahat pagdadaanan mo talaga ang iba’t ibang klase ng love,” sey ni chinita princess.

Ngunit kahit na nagkaganoon ay masaya naman ang dalaga sa kanyang pinagdaanan.

“At the end of the day, mari-realize mo, ‘Ay, buti na lang tapos na,’ ganun. ‘Ay, buti na lang nakangiti na ako ngayon’. Kailangan mo siyang daanan. Di mo siya dapat lampasan.”

Wala namang pinagsisihan sina Anne at Kim kahit na minsan sa buhay nila ay nagmakaawa na sila sa mga dating minahal.

“Hindi! Parang okay lang naman. Gumanda naman ako lalo,” lahad ni Kim.

Sey naman ni Anne, “Not at all. Kasi feeling ko nagmo-mold din sa iyo as a person, e. It makes you stronger. It makes you into a better person.”

Hirit pa niya, “It helps you move on to become stronger, so that when you meet the right person, di ba, buong-buo ka na sa pagmamahal with so much knowledge.”

Matatandaang naging kontrobersyal rin noon ang naging lovelife nina Anne at Kim.

Naging maingay noon ang naging paghihiwalay ni Kim sa kapwa “Pinoy Big Brother” housemate na si Gerald Anderson ngunit ngayon ay super happy na ito sa kanyang longtime dyowa na si Xian Lim.

Samantala, naging usap-usapan rin ang hiwalayan nina Anne at Sam Milby pero ngayon ay natagpuan na nito ang kanyang forever kay Erwan Heusaff at mayroon na rin silang cute little girl na si Dahlia.

Related Chika:
Anne Curtis, Erwan Heussaff 5 years nang kasal, nag-celebrate sa beach kasama si Dahlia

Sexy OOTD ni Anne Curtis na nagmula pa sa Paris pak na pak sa madlang pipol

Anne Curtis magbabalik na sa ‘It’s Showtime’: AbangANNE!

Melai Cantiveros naloka nang makita ang bill ng kuryente; Kim Chiu super proud kay Xian Lim

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending