Anne Curtis, Erwan Heussaff 5 years nang kasal, nag-celebrate sa beach kasama si Dahlia Bandera

Anne Curtis, Erwan Heussaff 5 years nang kasal, nag-celebrate sa beach kasama si Dahlia

Pauline del Rosario |November 14,2022
share this

Anne Curtis, Erwan Heussaff 5 years nang kasal, nag-celebrate sa beach kasama si Dahlia

Pauline del Rosario - November 14, 2022 - 04:19 PM

Anne Curtis, Erwan Heussaff 5 years nang kasal, nag-celebrate sa beach kasama si Dahlia

PHOTO: Instagram/@annecurtissmith

IPINAGDIRIWANG ng celebrity couple na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff ang kanilang 5th wedding anniversary.

Nagbakasyon ang mag-asawa kasama ang kanilang anak na si Dahlia sa isang beach.

Ibinandera ni Erwan sa kanyang Instagram ang isang night video at may caption pa itong, “2 years. 5 married. 2 as parents.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan)

Nag-post din siyempre si Anne sa IG ng kanilang family picture habang na sa beach.

Kalakip din ang caption na, “Whisked off to paradise for a quick getaway to celebrate our anniversary (white heart emoji) Love you both so much @erwan.

“Here’s to many more core memories made (flower emoji)”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Nagpaabot naman ng mga pagbati ang ilang celebrities at kabilang na riyan sina Raymond Gutierrez, Kim Chiu, Bianca Gonzales, Isabel Oli, at marami pang iba.

Taong 2017 nang ikinasal sina Anne at Erwan sa New Zealand ay noong 2020 naman nang isinilang ng aktres ang first baby nila sa Australia.

Ngayong taon lang bumalik sa mundo ng showbiz si Anne matapos siyang magpahinga upang matutukan ang kanyang pamilya.

Kamakailan lang ay nag-trending ang kanyang bagong look na kung saan ay nagpagupit siya ng maikling buhok.

 Pinag-usapan ito ng madlang pipol at akala ay brokenhearted ang aktres.

Pero kaagad naman ito nilinaw ni Anne sa variety show na “It’s Showtime” at sinabing trip lang daw niya ito.

Binanggit pa nga niya ang naging inspirasyon niya sa kanyang new look na si Amélie Poulain, isang French character mula sa 2001 romantic comedy na pinamagatang “Amélie.”

Related chika:

Yassi Pressman ‘role model’ si Anne Curtis: ‘I love her so much!’

New look ni Anne Curtis agaw pansin, hindi raw broken-hearted: Na-feel ko lang magpa-short hair bigla

Sexy OOTD ni Anne Curtis na nagmula pa sa Paris pak na pak sa madlang pipol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending