New look ni Anne Curtis agaw pansin, hindi raw broken-hearted: Na-feel ko lang magpa-short hair bigla Bandera

New look ni Anne Curtis agaw pansin, hindi raw broken-hearted: Na-feel ko lang magpa-short hair bigla

Pauline del Rosario |October 06,2022
share this

New look ni Anne Curtis agaw pansin, hindi raw broken-hearted: Na-feel ko lang magpa-short hair bigla

Pauline del Rosario - October 06, 2022 - 02:54 PM
Anne Curtis

PHOTO: Intagram/@annecurtissmith

AGAW-PANSIN ang bagong look ni Anne Curtis, ang kanyang short hairdo.

Ang akala ng iba, wig lang ito pero paglilinaw ng aktres sa isang episode ng noontime variety show na “It’s Showtime” ay totoo siyang nagpagupit ng buhok para maiba naman daw.

Sey pa ng Kapamilya Dyosa, “Wala lang, na-feel ko lang magpa-short hair bigla for a change in life.”

Ni-reveal din niya na ang naging inspirasyon niya sa kanyang hair glow-up ay si Amélie Poulain, isang French character mula sa 2001 romantic comedy na pinamagatang “Amélie.”

“Actually ang isa sa inspiration ko ay si Amélie, isa siyang French character,” masayang kwento ni Anne.

Kahit sa social media, pinagkaguluhan ang bagong hairstyle ng aktres matapos mag-post ng ala-French vibe na pictures.

Comment ng isang netizen, “Always slaying, always serving.

“Now everyone wants a haircut like this!!!”

Sabi naman ng isang fan, “Kung may rango lang ang kagandahan malamang Heneral ka.”

Saad pa ng isa pa, “Pretty as always.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Ngayong taon lang bumalik sa showbiz industry si Anne matapos magpahinga ng dalawang taon upang maging full-time mom sa first baby nila ng food blogger na si Erwan Heussaff.

Read more:

Sexy OOTD ni Anne Curtis na nagmula pa sa Paris pak na pak sa madlang pipol

2 taong gulang na anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff enjoy na enjoy sa ‘pre-school’: It’s so cute…

Vice Ganda hinamon si Anne Curtis: Hindi mo kayang mag-selfie ng nagpa-pump ng gatas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending