2 taong gulang na anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff enjoy na enjoy sa 'pre-school': It’s so cute... | Bandera

2 taong gulang na anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff enjoy na enjoy sa ‘pre-school’: It’s so cute…

Ervin Santiago |August 23,2022
facebook
share this

2 taong gulang na anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff enjoy na enjoy sa ‘pre-school’: It’s so cute…

Ervin Santiago - August 23, 2022 - 12:05 PM

Anne Curtis at Dahlia Amelie

PROUD nanay ang Kapamilya actress at TV host na si Anne Curtis sa pagpasok ng kanyang anak sa school sa kauna-unahang pagkakataon.

Two years old pa lang ang panganay nina Anne at Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie pero naranasan na nga nito ang maging estudyante sa pagsisimula muli ng face-to-face classes sa bansa.

Ayon sa “It’s Showtime” host, nagdesisyon sila ng asawa na i-enroll na ang anak sa pre-school para magkaroon ng bagong experience ang bagets.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Anne ang ilang kaganapan sa first day ni Dahlia sa pre-school sa pamamagitan ng isang short video.

View this post on Instagram

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


“My little school girl. All done with her first day & she had so much fun!” aniya sa caption.
Esplika ng aktres at TV host, Dahlia just turned two years old last March, at pwede naman daw itong pumasok sa isang “pre pre-school where they all sing, learn and play together.”

“It’s so cute to see all the kids together,” sey pa ng celebrity working mom.

Nag-post din si Erwan ng ilang litrato ni Dahlia sa kanyang Instagram Stories na kuha sa unang pagpasok nito sa school na may caption na, “Stop time, stop.”

Bukod sa kanilang IG followers, nag-iwan din ng reactions ang mga celebrity friend nina Anne at Erwan sa kanilang mga post kabilang na ang kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis, Amy Perez, Danica Sotto, Jessy Mendiola, Shaira Luna at Bea Soriano-Dee.

Ikinasal sina Anne at Erwan noong November, 2017 at isinilang naman si Dahlia last March, 2020 sa Melbourne, Australia sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Payo ni Erwan Heussaff sa pagiging single ni Wil Dasovich sa edad na 30: Do crazy things…you’re still super young

Erwan may 2 bagay na palaging ipinaaalala kay Anne ngayong may anak na sila

‘Hidilyn Diaz’ costume ng anak nina Anne at Erwan pak na pak sa Halloween

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending