Vice Ganda hinamon si Anne Curtis: Hindi mo kayang mag-selfie ng nagpa-pump ng gatas Bandera

Vice Ganda hinamon si Anne Curtis: Hindi mo kayang mag-selfie ng nagpa-pump ng gatas

Therese Arceo |July 20,2022
share this

Vice Ganda hinamon si Anne Curtis: Hindi mo kayang mag-selfie ng nagpa-pump ng gatas

Therese Arceo - July 20, 2022 - 01:51 PM

Vice Ganda hinamon si Anne Curtis: Hindi mo kayang mag-selfie ng nagpa-pump ng gatas

ALIW na aliw ang netizens sa online bardagulan ng “It’s Showtime” hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis sa social media.

Talaga namang havey ang mga banat ng dalawa sa Twitter na nagsimula nang mag-tweet ang Unkabogable Star ukol sa paggising niya nang maaga.

“Ang aga ko na naman gumising. Dasssurv ko ng pandesal at corned beef! GANDAng mawnin unkabogables!” tweet ni Vice.

Agad nanan itong pinansin ni Anne at ni-retweet pa ang post ng kaibigan.

“Very proud of you sa maagang paggising mo!!!!” saad ng nag-iisang dyosa.

Napansin naman ito ni Meme at sinagot naman si Anne at sinabing mas proud siya sa kaibigan kung papasok siya ngayong araw sa kanilang show.

“Mas proud ako sayo kung papasok ka today! Di yung puro ka padede jan sa bahay nyo!” sagot ni Vice.

Emoji lang naman ang naging sagot ni Anne sa kaibigan at dahil palaban ang mommy ni Dahlia ay nag-post naman ito ng kanyang mirror selfie.

“Ito. Ready na ako. Eh ikaw? Patingin nga ng selfie mo at this very moment. Your timer starts NOW!” sey ni Anne sabay hamon ng selfie kay Vice.

Hindi naman nagpakabog ang Unkabogable Star st nag-post rin ng kanyang entry ng “just woke up” selfie.

Muling sinagot ni Anne ang selfie tweet ng kaibigan at sinabing, “OH PAK! BIGYAN NG CORNED BEEF AT PANDESAL YARN! (Kahit alam kong late post to)”

Matapang namang hamon ang naging balik ni Vice sa sinabi ni Anne na late upload na ang ibinahagi niyang larawan.

“Di mo kayang magselfie ng nagpapump ng gatas!” mapanghamong niyang sabi.

Pero mukhang good mood for today’s vidyow si Anne at ibinahagi nito ang breastfeeding moments nila ni Dahlia.

“Ayan. Direct latch sezzzz! As a proud bf mum! Di kita hahamon nito. Baka kung ano ma-post mo! Kinakabahan me! Hahaha! Love yew!!!!” tweet ni Anne.

Nagbahagi naman si Vice ng mag-inang kabayo na nagbe-breastfeed rin.

“Maliit pa si Ryan dyan! Ngayon alam mo na kung bakit bulul si Ryan! Medyo makunat ung nadede nya!” pabirong sey ni Vice.

Havey na havey naman ang kwelang kulitan ng dalawa sa Twitter.

“Ma anong nakain mo at bakit ka ganyan? HAHAHAH,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Tawang-tawa ako! Hahaha! Pati si Ryan Bang nadamay!”

“Havey meme vice sana laging maganda gising mo,” hirit naman ng isa.

Related Chika:
KaladKaren nakasaksi ng ‘kaguluhan’ sa isang bar sa QC: Kapag may inuman, may bugbugan

Bakit nga ba na-reschedule ang concert ni Vice Ganda sa Dubai?

Kiray vs. Senyora nangangamoy bardagulan na naman; Sharon certified action star na dahil kay Coco

Vice Ganda nasubsob sa stage ng ‘It’s Showtime’ habang rumarampa, muntik mangudngod ang mukha sa camera

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending