Vice Ganda nasubsob sa stage ng 'It's Showtime' habang rumarampa, muntik mangudngod ang mukha sa camera | Bandera

Vice Ganda nasubsob sa stage ng ‘It’s Showtime’ habang rumarampa, muntik mangudngod ang mukha sa camera

Ervin Santiago |June 28,2022
facebook
share this

Vice Ganda nasubsob sa stage ng ‘It’s Showtime’ habang rumarampa, muntik mangudngod ang mukha sa camera

Ervin Santiago - June 28, 2022 - 12:26 PM

Vice Ganda at Vhong Navarro

NASUBSOB at muntik nang mangudngod sa camera si Vice Ganda nang rumampa sa episode ng Kapamilya noontime program na “It’s Showtime” kahapon.

Nangyari ito sa “Showtime Sexy Babe” segment habang iniinterbyu nina Vice, Jhong Hilario, Vhong Navarro at Ogie Alcasid, ang contestant na si AJ Batitay.

Napansin kasi ng TV host-comedian na tila nawalan ng balanse si AJ habang rumarampa sa stage. Ginaya ni Vice ang style ng paglalakad ng kandidata pero medyo exaggerated na.

At habang ginagaya niya si AJ, hindi napansin ni Vice na may isa pa palang step ang stage kaya dire-diretso siyang napasubsob sa kinaroroonan ng cameraman.

Dali-dali namang sumaklolo sa komedyante sina Vhong at Jhong, pati na ang kanilang floor director ay ang asawa ni Vice na si Ion Perez.

Kitang-kita naman ang pagtawa ng kanyang mga co-host habang tinutulungang makatayo uli si Vice. Nagtanong naman si Teddy Corpuz nang makita ang insidente, “Uy, anong nangyari?!”

Sagot ni Vice, “Nasubsob ako!” Tawa rin siya nang tawa nang sabihin sa contestant ang nangyaring blooper, “Huwag kang magtitingkayad!”

Hirit ni Vhong, “May show ka sa U.S., papasok ka sa TV?!” na ang tinutukoy nga ay ang muntik na niyang pagkasubsob sa camera.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)


Sagot naman ni Vice, “Natakot ako, akala ko papasok ako sa camera! Magugulat yung mga madlang pipol, ‘Uy, bakit nandito ka sa bahay namin?’

“’Nakikiupo lang po ako kasi balita ko komportable yung sofa niyo!’ Ang pangit pala ng nakatingkayad pero piki ka!” aniya pa.

Kasunod nito, sinabihan naman ni Vhong ang production na i-replay ang nangyari at nagbiro na baka raw itinulak ni AJ si Vice at napatunayan namang aksidente talaga ang nangyari.

Nang mapanood naman ni Vice ang ipinalabas na replay, sinisi niya niya si Jhong, “Nakita mo? Ikaw yung pinakamasaya! Sa clip na yun ikaw ang pinakamasaya!”

Resbak ni Jhong, “Tignan mong maigi, tignan mo yung nasa likod ni Vhong,” na ang tinutukoy ay si AJ.

Kaya naman hirit ni Vice, “Ah, teka lang, may babaeng masaya sa likod!”

Sabi naman ni AJ kay Vice, “Masaya ka? Muntik akong malaglag sa hagdanan! Ayun oh, ulo mo lang yung kita pero masayang-masaya ka!” Na sinagot ng contestant ng, “Pinag-pray po kita niyan!”

Hirit pa ng Phenomenal Box-office star bago matapos ang “Showtime Sexy Babe” segment, “Di ba ang daming nangyari today? Monday pa lang, ha!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, umani naman ng papuri at positibong comments ang pagsaklolo ni Ion Perez mula sa netizens dahil napatunayan daw nila na talagang mahal na mahal nito si Vice base sa nakita nilang reaksyon at pag-aalala sa pagkadapa ng komedyante.

Kim muntik nang mag-quit sa showbiz dahil sa sampal ni Glydel: Krayola talaga ‘ko!

Ivana pinaiyak ang 2 kasambahay, pero binigyan ng P150k

Nadine Samonte umaming muntik mawala ang 3rd baby: Pero hindi ako susuko, lalaban tayo…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending