KaladKaren nakasaksi ng 'kaguluhan' sa isang bar sa QC: Kapag may inuman, may bugbugan Bandera

KaladKaren nakasaksi ng ‘kaguluhan’ sa isang bar sa QC: Kapag may inuman, may bugbugan

Therese Arceo |July 19,2022
share this

KaladKaren nakasaksi ng ‘kaguluhan’ sa isang bar sa QC: Kapag may inuman, may bugbugan

Therese Arceo - July 19, 2022 - 08:51 PM

KaladKaren nakasaksi ng 'kaguluhan' sa isang bar sa QC: Kapag may inuman, may bugbugan
HAVEY na havey sa mga netizens ang pagiging live reporter ni KaladKaren Davila nang makasaksi ito ng kaguluhan sa isang bar sa Quezon City.

Nag-ala Karen Davila na naman ang social media personality at inilahad ang mga kaganapan habang naiipit sa kaguluhan ng mga customer sa naturang bar.

“Kasalukuyan pong nagkakaroon ng gulo dito sa isang bar sa Quezon City kung saan ang mga lasing ay nag-aaway away po,” saad ni KaladKaren.

Itinapat naman niya ang kamera sa grupo ng mga lalaki na nagkakainitan.

“Ayan po sila. Kapag may inuman, may bugbugan,” pabirong hirit pa niya.

Makikitang kasama rin ni KaladKaren ang Kapuso host-comedian na si Allan K.

“Heto na nga, nakakaloka. May nagkakagulo,” sabi naman ni Allan K.

“Medyo nagkakabatuhan na po ng bote. Hindi po namin alam kung anong pumasok sa kanilang kokote at uminit ang mga ulo ng mga parokyano ng isang bar dito Quezon City,” pagpapatuloy ni KaladKaren sa kanyang mala-live report.

@kaladkarenWalang pikunan… just for fun 😂

♬ original sound – Kaladkaren Davila

Sey pa ni KaladKaren, ““Dasal po naming na maging maayos ang sigalot na ito at bukas pagkagising nila with hangover ay maging payapa po ang kanilang buhay.”

“Ako po si Kaladkaren Davila at ito ang, may inuman,” hirit pa niya.

Makikita namang aliw na aliw ang mga netizens sa kanyang Tiktok video base na rin sa comment section ng kanyang post.

“Nakakaloka yung exclusive! Hahahahaha,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Hahahahahaha aliwoty for da fersonability.”

“HAHAHAH THIS IS SO BAYAN PATROLLER,” sey naman ng isa.

Matatandaang nag-viral noon si KaladKaren Davila dahil sa kanyang Bayan Patroller video kung saan nag-uulat siya sa ilog sa Rizal habang ginagaya ang boses at porma ng broadcaster na si Karen Davila.

Ayun nga ang naging hudyat ng kanyang naging pagsikat na maging impersonator ni Karen.

Related Chika:
Kaladkaren sinagot ang tanong ng netizen na, ‘May p*k* na po ba kayo?’

Kaladkaren pwede nang ituloy ang naunsyaming pagpapakasal sa kanyang British fiancé sa UK

Kaladkaren emosyonal nang ipakita kay Karen Davila ang bagong bahay: Kung hindi po dahil sa inyo, hindi ko ito makukuha

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending