Kaladkaren pwede nang ituloy ang naunsyaming pagpapakasal sa kanyang British fiancé sa UK | Bandera

Kaladkaren pwede nang ituloy ang naunsyaming pagpapakasal sa kanyang British fiancé sa UK

Ervin Santiago |March 16,2022
facebook
share this

Kaladkaren pwede nang ituloy ang naunsyaming pagpapakasal sa kanyang British fiancé sa UK

Ervin Santiago - March 16, 2022 - 07:41 AM

Luke Wrightson at Kaladkaren

Luke Wrightson at Kaladkaren

MUKHANG anytime ay matutuloy na rin ang naunsyaming kasal ng Kapamilya TV host-comedienne na si KaladKaren sa kanyang foreigner na boyfriend.

Na-postpone ang wedding ni Kaladkaren sa kanyang British fiancé na si Luke Wrightson nang dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa proud transwoman, last year pa sana sila ikinasal ni Luke sa United Kingdom kung saan nakaplano na rin ang pagdalo ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Nagkuwento tungkol dito si KaladKaren o Jervi Li sa totoong buhay nang maging guest sila ni Luke sa “Magandang Buhay” ng ABS-CBN kahapon.

“Kaso nga nagka-pandemic, eh, we want our friends and family members to travel to UK,” kuwento ni KaladKaren.

Komento naman ng guest co-host nina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal baka pwede na nilang ituloy ang kanilang kasal dahil unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo na sinang-ayunan naman ni Kaladkaren.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KaladKaren (@kaladkaren)


Samantala, ibinahagi rin ng engaged couple ang ilang detalye tungkol sa kanilang love story kabilang na nga ang kuwento kung paano sila nagsimula bilang lovers.

Sabi ni Kaladkaren nag-start ang relasyon nila ni Luke 10 years ago at unang nagkrus ang mga landas nila sa Hong Kong.

Kuwento ni Luke nang tanungin kung ano ang isa sa mga katangiang nagustuhan niya sa kanyang fiancée, “I absolutely admire Jervi’s work ethic.

“I love her passion for what she does in anything not just work but also in life,” aniya pa kasabay ng pagsasabing super close na raw si Kaladkaren sa kanyang pamilya.

Sa isang bahagi ng panayam, nagpasalamat si KaladKaren kay Luke dahil sa pagmamahal at suporta na ibinibigay nito sa kanya lalo na sa pagtanggap nito sa buo niyang pagkatao.

“Thank you for accepting me for all of who I am. We’ve been together for 10 years, still every day that I wake up I still choose to love you and I will choose to love you every single day of my life.

“I would like to thank you for your unconditional love because I know sometimes I get to be annoying, I am stubborn but you are still there and you still support me and the most important thing is you show up in difficult times,” mensahe pa ni KaladKaren.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang September, 2020 nang ibandera ni KaladKaren sa madlang pipol ang engagement nila ni Luke. Sumikat ang TV host dahil sa pag-i-impersonate niya sa broadcast journalist na si Karen Davila.

Kaladkaren sinagot ang tanong ng netizen na, ‘May p*k* na po ba kayo?’

OK lang ba kina Agot, Nikki at Romnick na magkaanak ng bading o lesbian?

Marjorie kina Claudine at Greta: It’s just gonna be more peaceful kung hindi bati…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending