Kaladkaren sinagot ang tanong ng netizen na, ‘May p*k* na po ba kayo?’
Kaladkaren
HINDI pinalampas ng TV host at komedyante na si Kaladkaren ang “offensive” na tanong ng isang netizen tungkol sa kanyang “private parts.”
Sinupalpal ng impersonator ni Karen Davila (Jervi Li sa tunay na buhay) ang babaeng nagtanong sa pamamagitan ng isang TikTok video.
“Ms kaladkaren, may p*ke n po b kyo?” ang diretsahang question ng netizen.
Halatang na-offend at nainsulto si Kaladkaren sa nasabing tanong, “Why are we so engrossed in asking people what’s between their legs? Can’t we stop asking if they have a penis or vagina or jellyfish?
“Because, number one, it’s impolite. Number two, girl, it’s none of your business!
“Why don’t we focus on their talents, on their abilities, on their achievements, not their genitals.
“And for me, it doesn’t matter what’s between your legs. What matters most is this (sabay turo sa puso) and this (utak),” pahayag pa ng TV host.
View this post on Instagram
Dagdag pa niyang hirit, “And to answer your question, may p*ke na ako… tatlo! Charot!”
Ilang beses na rin pumatol si Kaladkaren sa mga netizens na nangnenega sa kanyang pagiging transgender. Tulad na lang sa naging comment na, “Sayang kung naging babae ka lang tlaga.”
Tugon sa kanya ng komedyante, “Sayang po dahil? Masaya ako kung ano man po ako ngayon… kahit maging halamang dagat pa po ako.”
Sinagot din niya ang hate comment sa bikini photo niya sa Instagram na, “Hanggang ganyan lang, di mabubuntis sayang ganda sana lahi nla.”
Reply ni Kaladkaren, “Ahhh pag walang anak Sayang? Sana proud po ang mga anak niyo sa inyo.”
Sagot naman sa kanya ng netizen, “Nagsbi lng ako ng totoo tska my babae rin nmn di nbubuntis ahh.”
“I guess we just have to RESPECT one another, kung sino or ano man po sila… just saying lang din po,” hirit pa ni Kaladkaren.
https://bandera.inquirer.net/302387/karen-davila-pamilya-tinamaan-na-rin-ng-covid-19-we-are-recovering-quite-well
https://bandera.inquirer.net/289073/aiko-melendez-ang-bababeng-walang-pahinga
https://bandera.inquirer.net/279480/geneva-hindi-uurungan-ang-mga-bastos-na-bashers-pakialam-niya-sa-singit-ko-akin-yun
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.